delayed delayed

Dec 08, 2010 00:06

 last week pa dapat tong post na to...

bakit ang mura ng manga sa HK?????

wala pang 200php ang isa. napabili tuloy ako ng Switch Girl at Nodame kahit Cantonese ang translation XD

muntik pa ko ma-late nung departure, 5:30 na ko nakaalis ng bahay. buti na lang di mahaba pila sa check in- pasaway ako di sunod sunod ang ginawa ko sa airport...

di naman kinabahan nung take off, nakakainis lang nabibingi yung isang tenga ko kahit may bubble gum na ko.

ang liit ng cebu pacific as in ramdam na ramdam kapag lumiliko at bumababa, lalo na nung landing. di ko alam kung dahil sa luma o maliit yung 5J-110 at para kaming bumagsak sa runway sa HK.

malamig pala sa cabin hehehe... di na ko nagjacket.

para di magmukhang tanga sinundan ko na lang yung mga tao pagdating sa airport- astig yung train papuntang terminal 1. dahil sa kakatingin sa paligid nalimutan ko magpicture.

napraning lang ako sa immigration officer baka kasi itanong yung landline ng tita ko, nalimutan ko kunin XD

pero ayos naman, wala siyang tinanong automatic lang na tinatakan yung passport ko- advantage ng mukhang Intsik.

Cityflyer bus sinakyan namin pauwi- kami lang pasahero kaya ayos lang magpicture. mahigit isang oras bago kami nakarating, 1 bridge na sobrang haba at 2 tunnel ang dinaanan namin. Sa kakagamit ng cellphone ng pinsan ko lumampas kami.

Di pa tapos gawin ang elevator sa building kung saan nakatira tita ko kaya 15kg mahigit ang binuhat ko papuntang 5th floor. Cardio-weights ng di oras. Malamig naman kaya di ako pinawisan.

Kumain kami sa chinese restaurant na malapit (1km), unang araw ng pagpapataba.

Puro carbs kinakain nila- tinapay lahat ng klase sa dami ng mga Japanese style bakeries na nagkalat, kanin, siopao, malagkit na parang machang saka mga cakes. sa isang araw siguro equivalent na sa 3 araw na carbs na kinakain ko sa Pinas, kaya 2 kg ang nadagdag sa akin. Pero madaya bakit di sila tumataba? tito ko lang ang medyo mataba sa mga kasama ko.

nalimutan ko magdala ng camera hehehe... maraming underground na daan lalo na yung sa mga MTR stations. yung iba parang maze sa dami ng exit buti na lang yung sa Choi Hung 4 lang.

akala mo di malamig minsan 24-26 deg lang pero yung hangin parang may yelo saka nakasara yung bintana kaya di ganun kalamig sa loob ng bahay.

Astig ang octopus card, pwede sa MTR, bus at pambayad din sa mga stores... reload sa 7-eleven or sa mga stations wala kang makikitang nakapila para bumili o magload. Pwedeng i-refund ang laman kapag nagsurrender ka sa kanila ng card.

Kailan kaya makakaabot sa ganitong level ang MRT?

Yung mga bus astig din, double bus halos- save ng space kaya wala kang makikitang traffic except sa Central. Ang bus stop ay bus stop, walang octopus magbayad ng sakto XD

At dahil under sa British ang HK dati, right hand drive sila... medyo lang ang tagal bago ako makatawid sa daan.

Automatic ang doors ng taxi. 3 beses lang ako sumakay, ang mahal kasi XD

Mapipilitan kang maglakad ng maglakad kapag di mo alam ang pupuntahan walang choice kung di sundan mga signs, tulad ko nung sa Museum of Art 10km siguro yung nilakad ko para para sa tamang underground exit.

Sneakers/Flat na sapatos dapat ang suot sa pag-explore. At medyo malakas mga aircon sa bus, resto at shopping malls kaya dapat may jacket lagi. Wag gumaya sa pasaway na naka-tshirt lang ng gabi kaya muntik sipunin.

Ang kulit ng tito ko, pinipilit na magpastraight daw ako bago umuwi ng Pinas di niya alam na sadyang kinulot para daw pwede na ko gumamit ng hair dryer XD XD XD

Checklist:
Wong Tai Sin Temple
Ocean Park
Museum of History
Science Museum
Museum of Art
Heritage and Discovery Museum
HK Zoological and Botanical Garden
Plaza Hollywood
Avenue of the Stars
Morse Park
Diamond Hill

palakad lakad sa wellcom, park n' shop at mga malls... kung di lang masungit mga tindera ang dami ko na sigurong pics ng mga cake at tinapay.

Sa susunod:
Space Museum
Science Museum uli
Ocean Park uli... ayoko sa Disney
Dr. Sun Yat Sen Museum
Peak
Buddha
Ping Tai Shan Trail
Macau
masakyan lahat ng lines ng MTR- may 4 pa kong di nasasakyan.
tram
night market(sosi tita ko ayaw magpunta sa mga ganito kaya puro mall kami XD)

yung mga caps ni YB sa LIDS grabe presyo.

madaya ang Japan home, ang dami nilang tinitinda sa HK.

puro bad bacteria tiyan ko salamat sa ga, pldt(putangina long distance telephone c, naburo ang hk post

Previous post Next post
Up