I've been really lazy to update lately. I used to update everyday... Hay. Sorry talaga... Anyways... It's not like many people reads this blog...Hay. Eto. Nagpost ako dito sa LJ para lang kay shuwi. haha... para di na siya mahirapan. ^.^ MWAH!
Lately... I've been contemplating about life... and everything in it... AGAIN. Bakit ba kasi pakiramdam ko walang kwenta ang mabuhay? Parang nakakatamad na ang buhay. Nakakasawa na... Kayo? Hindi ba kayo nagsasawa? Paulit ulit lang kasi ang nangyayari sa ating buhay eh. Kumbaga para kang naglalaro ng isang RPG game tapus bigla kang na-stuck at wala kang mahanap na walkthrough. Naka hinto ka lang at hindi mo na alam kung ano ang sunod na gagawin... Ano ang dapat mong iniisip... Ano ang dapat na nangyayari... Kahit gaano kong binusisi hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ako nakapag-isip ng ganun.
At dito pumapasok ang thought na "I need to desperately change something." May kailangan akong baguhin. Hindi na pwede ang option na magpagupit ng buhok kasi nagawa ko na yan. Gusto ko naman magpahaba. (Yung tulad ng dati kong hair na supeeer haba. At sana mas mahaba pa doon. Hahaha... nainggit kasi ako kay shuwi eh. hahaha... *wink wink*) Kaso lang matagal pa yan ma-aachieve... So... Option number two... Ang napakatagal ko nang gustong makamit at gawin... *drumroll*... Magpabutas ng isa pa sa right ear ko. Bali ang lalabas niyan ay Dalawang hikaw sa right ear ko... at isa naman sa left ear ko. It's not because i'm rebelling... It's not also because "in" siya. It's all just because I want it to be able to fulfill myself. To make myself more "ME". More unique. Eh kaso lang... The only thing that is kinda holding me back is my mom... Siya lang talaga. Wala akong pakialam kung ano ang sasabihin ng auntie ko (who says having more than two holes in your ears is SATANIC or DEMONIC -_-;;;) o kung ano ang sasabihin ng tatay ko at ang walang kwentang side of his family o nang ibang tao (kahit kaibigan pa kita, la na ako pake alam sa iisipin mo)... All I care about is what my mother thinks. Kasi... Natatakot ako baka magalit siya ng sobra sa akin... She opposed the idea. Partially, influenced by my auntie... (BULLSHIT!!!!) Hay. Hindi naman ako magmumukang "Tsao Huan" eh. Aysus. Hindi kasi nila naiintindihan ang nararamdaman ko. I really need this... Pero more than half of me has already decided na I will push through the idea. One of this days... Maybe sa term break?... Magpapasama ako sa isa sa mga friends ko at magpapabutas ako sa mall. Sa Unisilver or wherever store.
Hay. Nakakastress ang LOVE. Hehe... Hay. OMFG talaga. I felt like a fool. Ang tanga tanga ko talaga... Halata talaga ako lagi pag may crush ako sa isang tao. LOL. Haha... HE KNOWS. HE DEFINITELY KNOWS. O_O OMG!!!!! ..... Waaa... hahaha... I guess I'm reacting this way cause I'm a really, really shy person... Hahaha... Pero... You know what? Sabi "nila", he's okey about it daw. Walang malisya (tama ba spelling? hahaha... ). Yung... He's comfortable with me daw (in other words... hindi siya na-ilang after niya malaman..)? Hehe... :"> Ang hindi ko ma-gets ay kung bakit he allows me to half hug his arm... Gyaaaaa... ><
Speaking of scheds... WAAAAAAAAAAA... MAJORS NA KAME NEXT TERM!!! OMG!!! O_O Huhuhu... I'm kinda scared... T_T Kailangan ko na magseryoso sa studies ko... Hehe...
Recently, nauso ang mga "mini" reunions.
-o7/29/06- Hapon
Nagkita kame nila Jo, Ang Kambal, at Jill sa school (DLSU/CSB), specifically sa Chowking... Ang tambayan ng mga smoker. Hehe... Doon kame kumain ng lunch kasi si Jo meron siyang mga coupon na galing sa ENGLICOM. Grabe. Busog na busog kame non. Ang dami dami naming inorder. Hahaha... Laki nanaman tiyan namin! Wakeke... Tapus nun nagpara kame ng taxi. Buti na lang pumayag ang driver kahit 5 kame. Yung iba kasi ayaw eh. Diretso na papuntang RP. Dapat manunuod kame ng sine... Kaso lang late na sobra... /swt Kaya nagshopping na lang kame! Heehee... May bumili ng damit (sila Jill at Jo), may bumili ng sapatos (si Katrina), may bumili ng pagkain at inumin (sila Jill at ang Kambal) at may bumili ng libro (hahaha... sino pa ba??? E di ako! Ako lang naman adik eh. ^^). Astig nga eh. Naka jackpot ako! Nakakita ako ng Taltos by Anne Rice sa Book Sale. 175 Php lang!!!!! Samantalang 300+ Php ang nasa Natio. Grabe. Waw.=^_^= Trilogy kasi siya eh. Mayfair Witch. Nabili ko na dati ang second book which is Lasher. Third book ang Taltos. Yung first book, The Witching Hour, 600+Php!!! ANG MAHAL!!!!!!! Kailangan kong antayin ang sale sa Natio bago ko siya mabibili... T_T Huhuhu... Ayaw ko kasing basahin agad yung Lasher eh. Kasi wala na akong maiintindihan doon! Bitin pa. Hehehe... Hay... My wonderful books nga naman... Hehe... Anyways, after nun bumalik kame ng DLSU via taxi ulit. Nakakatawa nga eh. Sila Jill at Katrine pasaway! Dun sila sa bawal nagpapara ng taxi. Hahaha... Naiinis na tuloy yung guard sa amin.
-07/29/o6- Gabi
Wee... Nagtamabay muna ako sa may South Gate ng DLSU with Jo to kill time. Maaga pa kasi eh. Tapus nun tinext ko si Markeeee para sabay nalang kame sumundo kay Kathyyyy. :)) So~~ Balik sa RP. Met up with Markeeee. Sinundo si Kathyyyy. Haha... Tapus uwi muna sa kanila Kathyyyy. Kwentuhan all the way! Heehee... Inantay pa namin si Ozzy bago kame umalis papuntang Wan Chai. (I won't mention where we stopped by before going there ok? Haha... Wala lang...) Pagdating doon nakita namin si Rich. Hehe... Diyan na nagsimula ang giggling marathon ko. Hahaha... Hindi pa nga umiinom lasing na! hahaha... Anyways, dumating si Leony. Hehe... After a million years, Clarzyyy finally arrived. Hahaha... At diyan ko na stinart ang picture session! Yiheee... Ang saya sobra. Grabe. We drank Tsing Tao Beer (a chinese beer). Hehe... Hindi siya matapang katulad ng SMB pero... After kong naka uwi tinamaan ako.@_@
![](http://img.photobucket.com/albums/v260/crazyoveromi/TsingTaoBeerbeforepic.jpg)
![](http://img.photobucket.com/albums/v260/crazyoveromi/yeyinumannakanpai.jpg)
-08/04/06- Umaga
Kuha ng chimes day!!!! Weee... Nagkita na kame ni shuwi sa wakas!!!!!! :"> Hehehe... Grabe. Kame tatlo ni Roch, Shuwi at ako ay nagkita ng maaga para kunin ang chimes (as if maaga pa yon!!! LOL...) haha... Kawawang Roch. Matagal nag-antay. Sowi about that! ^^;; Heheh.. anyways. Kumain kame sa Quickee after non. Egg rice!!! Weee... At iyon ang time na nilabas ko ang digicam ko. Har Har Har!!! KUYA HABS!!!!!! Just in case... Kung nabasa mo man ito... Hahah... Nakakuha ako ng magagandang pics ni Cha mo. >:) hahaha... Yiheee... Kung gusto mo hingiin sabihin mo lang! Hahaha... Nakakatuwa talaga maging model si shuwi. Ang ganda ganda niya kasi non eh. Heheh.. Eh tapus ako pa mahilig mag picture. Weee... Yiheee... BLOOMING SI SHUWIIII... Hehehe... Grabe. Shuwi. Swerte ka talaga kay Habs mo. ;)) You know the reason why. Hehe... Grabe. Hindi kame maka babay ni shuwi. Nakatayo lang kame doon sa kanto at nagkwekwentuhan. Heheh... Anyways, can't wait till term break! may date nanaman kame ni shuwi non! Excited na ako... =^.^=
![](http://img.photobucket.com/albums/v260/crazyoveromi/IMGP0075.jpg)
![](http://img.photobucket.com/albums/v260/crazyoveromi/IMGP0071.jpg)
Wahaha... Nobela na ito... Kasalanan ko kasi eh. Tagal ko di nag-update! ^.^