Ok na ako eh, biglang..

Feb 04, 2009 09:37


Sa lahat ng ayoko ay yung mga namimintas ng di kakilala, lalo na kung ang taong tinutukoy nila eh kilala mo ng lubusan. Hindi ba nila alam na doon nakikita kung may class ang tao o wala? Hindi nasusukat sa kaputian ng balat o laman ng bank account ang class, kung hindi sa pakikitungo o respeto sa ibang tao. Hindi ba nila naramdaman na sobrang nainis ako nung nagsimula silang maginsinuate ng kung anu-ano dun sa tao eh ni hindi pa naman nila nakakausap o nakakasama yung tao? Ano bang klase ng kasiyahan na nakukuha nila sa pamimintas? Hindi ko talaga maintindihan. Buti sana kung may ginawa sa kanila yung tao eh, baka pinagbigyan ko pa sila, o di kaya may konkreto silang katibayan na ganoon nga yung tao. Pero sa pagkakataong iyon eh wala silang karapatang pintasan siya, lalung-lalo na at ako ang nasasaktan para sa kanya sa mga pinagsasasabi nila. Sa susunod, pag-isipan muna sana nila ang sasabihin nila (kung wala namang magandang sasabihin, ehdi wag na lang magsalita!), at kung naulit na naman iyon eh pag hindi ko napigilan ang aking sarili magwo-walkout talaga ako >:(

Previous post Next post
Up