Nov 06, 2007 23:06
...at andaming namamasko! Madalang akong magtagalog sa blog pero pang-tagalog 'tong entry na to. Kanina pauwi, pagkatawid ng C5-Kalayaan intersection, uuuuubod ng bagal ng mga koche. Bakit kamo? Kase may mga nanghuhuli ng mga *ehem* smoke-belching na sasakyan. Asuuus. Dumadami ba ang smoke-belcher pag palapit na ang pasko? Bakit nagsisilitawan kayo ngayon?
Pagdating naman ng C5 malapit sa Shopwise... aba, meron na namang namamasko. Ewan kung anong nagawa nung mga nahuli pero kelan ka nakakita ng mga lespu sa parteng yon ng kalsada? Mga naka-motor pa kamo. At! May costume pa sila. Este, uniform.
Gantong panahon talaga, dumadami buwaya sa kalsada. All wanting a piece of that holiday pie. Pati guardia sa subdivision, anlulutong sumaludo! "Hep!" para bang sabi nila, sabay tayo nang tuwid. At! Ang basurero, frequent visitor. O ha. Lahat sumisipag pag "-ber" months.
Eh kung buong taon kaya manghuli sila ng mga walang respeto sa solid line sa gitna ng kalsada? Or mga motor na basta't kasya, aabante or sisingit? Or mga hindi alam ang ibig sabihin ng dilaw na kahon na may X sa intersection??? Year-round aguinaldo yan. Ipakita nyo naman na may silbi ang buwis na binabayad ko.