Aug 23, 2010 09:11
Sa gitna ng wakas matatagpuan ang simula
Sa dulo ng kahapon ginagawa ang ngayon
At tuwing dumaratin ang sining ng bukas...
Tandaan na ang mundo ay binubuo ng pagbabago.
Isipin:
Nakabaon sa lupa ang kultura ng tula
Na pinakikinggan ng sakador sa madla
Isinilang ng araw, pinalaki ng ani
Inakit ng kalaw, tinaniman ng binhi.
Pagmasdan:
Umusbong mula sa punla
Ang buhay na ninilok ng swerte at tugma
Iginapos ang silangan at
Pinaagos mula sa kabisera ag indakan
Bisig ng kamalayan, pago piniringan
Dumilim ang kalangitan
Naghalo ang pula sa luntian
Nakalimutan...
Ang pawis ay isang uri ng puhunan.
01 - 18 - 10
poetry