ha?

Mar 31, 2006 00:46

gusto kong tumikim nang mas madilim na panganib.

gusto kong mapitik ang siyang pinagkait ng langit.

gusto kong maasam ang siyang nilalaman ng langgam.

gusto kong madapa, gusto kong masipa, gusto kong maabot ang siyang nakakatakot, gusto kong humiyaw gusto kong luminaw.

gusto kong makita ang siyang tinatago ng paligo.

gusto kong mahuli ang siyang inaapi ng salapi.

gusto kong lumipad, gusto ko sa alapaap.

pero hindi pwede dahil alam ko na hindi ako parang tutubi na malinis ang mga pakpak, dahil ako'y watak-watak. maniwala sa aking sinasabi na malinis ang aking budhi subalit puno ang mundo ng gulo na hindi tumitigil sa pagiging mausyoso. ang ating utak ay sinasabaw ng otap.

gusto kong makamit ang siyang pinagkait ng langit.
Previous post Next post
Up