(This is in continuation to my Sept. 27, 2009: In Memories Entry.)
--------------------------------------------------------
[Premise]
May dalawang Typhoon Ondoy-caused tragedies na pinaka nagkaroon ng impact sa akin:
Sad Story #1
Baha na ang first floor ng bahay ng isang pamilya (na binubuo ng tatay, nanay, mga bata at isang katulong) sa Cainta. Hindi pa naman lagpas tao ang tubig ngunit napagdesisyunan na rin nila na pumanhik na sa second floor. Makalipas ang ilang segundo, naisip ng tatay na bumalik at magsalba muna ng ilang gamit sa baba (siguro by instinct). Pinaiwan na lang ang nanay sa taas para bantayan ang mga bata. Sumama sa ibaba ang katulong. Sandaling-sandali lang at nakita na lamang ng nanay na lumulutang na ang mga bangkay ng kanyang mister at ng kanilang katulong. Sa wari ng iba ay nakuryente sa tubig ang dalawa.
Sad Story #2
Mahimbing na natutulog ang isang compound ng magkakamag-anak nang biglang rumagasa ang putik. Instantly, natabunan ang kanilang mga bahay. Later, nalaman ng padre de familia na namatay ng gabing iyon ang kanyang asawa, apat na maliliit na anak, mga pinsan, mga tito at tita. Bukod pa dito ay walang natira sa lahat ng kanilang mga naipundar. Sa interview, sinabi niya na, "Hindi ko alam kung paano ulit magsisimula."
Now, ano kaya ang huling nasabi ng mister sa misis niya? Ano kaya ang huling activity ng pamilya ng namatay? Bago mamatay si Lola Maria ko, ni hindi ko siya nakausap for almost a week kasi sobrang busy ako noon sa pagtuturo. Alam kong hindi ko maibabalik ang pagkakataon pero siguro kung oo, gagawin ko ang lahat para maipadama kung gaano ko siya kamahal. Andaming namatay na malapit sa akin sa taong ito-- makes you realize how short this life is. We really have to make each second count.
--------------------------------------------------------
Ikaw, kung alam mong iyon na ang huling pagkikita ninyo (as in live, hindi kasama mga PM, chat or text), ano ang sasabihin mo sa taong mahal mo?
Lunes na ng gabi ngayon. Ito ang mga huling live conversations ko sa mga taong pinakamamahal ko:
(Conversation with Him)
...
(Friday ng gabi. Last conversion ko kay Kuya. Dahil sa hindi magkakapareho ang mga sched namin sa bahay ay pwedeng lumipas ang ilang araw na ni hindi kami nagkikita or nakakapag-usap man lang. Nagkataon lang na pinauwi ako ng maaga dahil kay Typhoon Pepeng.)
Kuya: Ipasok mo sa ref 'yung adobo.
Ako: Hindi naman napapanis iyan (sayang kasi space sa ref).
Micah: Kaya pala 'yung nakaraan tinapon mo 'yung ulam.
Ako: Uy! Hindi ako nagtapon n'un. Nasanggi ni Bentot (pusa namin). Ah, OK, sige gets ko na.
(Sunday ng gabi. Last conversion ko kay Jes seconds before ako umalis sa kanila para lumuwas back to Metro Manila.)
Ako: Ang gwapo talaga ni Okuda Satoshi (bokalista/drummer ng The Local Art)!!!
Jes: Kenichi Kitagawa (bokalista ng Road of Major) pa rin.
Ako: Paano sa Wednesday (kung anong oras kami magkikita para pumunta sa studio)?
Jes: Text-text na lang.
Ako: OK. Ba-bye.
Jes: Ingat ka.
(Monday ng umaga-- kanina. Last "conversation" ko kay Mommy.)
Ako: Mommy, papasok na po ako (sa banyo para maligo, nasa loob kasi ng banyo washing machine namin at naglalaba siya).
Mommy: (Lumabas ng banyo a minute later na may dalang mga isasampay. Occupied siguro. Walang sinabi.)
(Monday ng umaga ulit-- kanina after kong magbihis at umupo lang sandali para magbrowse for the last time bago umalis. Nakabukas applications ni Micah sa PC.)
Micah: (bago lumabas ng bahay papasok for school) I-logout mo na yan.
Ako: Paano Resto mo?
Micah: Hindi ko na masyadong pinapalevel up iyan. Hindi ko nga alam kung saan ko na dadalhin 'yung pera.
Ako: OK.
When was the last time that I talked to him face-to-face before that phone call an era ago? What were his exact last words? How about mine? Honestly, I can't remember. Nagfe-fade na nga isa-isa halos lahat ng memories namin. May mga pagkakataon rin na nakakalimutan ko na ang mukha ni ----. I really think it's for the best. Maybe someday, I can be free as well. Sana nga hindi ko na lang siya nakilala. =)
Hindi ko matandaan kung kelan ko huling niyakap si Mommy. At lalong hindi ko na rin matandaan kung kailan kami huling kumain na sabay-sabay na buong pamilya-- now that I think of it, it was back in my HS graduation sa SM North. Pilit pa. At kung sa bahay naman na buong pamilya sa iisang lamesa? Years before that. Kailan ko nga ba huling naka-bonding si Daddy? Honestly, I can't remember.
Kayo, kung alam ninyo lang na iyon na ang huling pag-uusap ninyo ng taong mahal ninyo, ano kaya ang sasabihin ninyo? Paano kung biglang nawala siya sa iyo? Ano ang mararamdaman mo?
Nang mangyari sa akin iyon, literally, na-experience ko ang ibig sabihin ng phrase na "pinagbagsakan ng langit at lupa". Biglang bumigat lahat. Sobrang sakit sa dibdib. Hindi ka makahinga. Tapos dumilim ang mundo...
Repost ko lang:
"The heart dies a slow death"
-Memoirs of a Geisha