Unang Meme para sa Oct 2009

Oct 01, 2009 04:02


Isang Meme bago matulog:

'Yung original galing kay kalyo, pagkadami-dami namang kasing tanong nun. Shortened version:

1. What is your name? Gladys Mae

2. When were you born? 09/11/1984

3. Where were you born? Quezon City

4. Where are you currently residing? Quezon City pa rin

5. How many languages do you speak? sa resume dalawa

6. Do you have any siblings? Si Kuya at si Micah, so, 1 boy, 2 girls kaming magkakapatid

7. Would you show us your childhood pics? Oo naman, hayaan mo at mag-iiscan pa ako para sa iyo

8. How did you spend your childhood? Maglaro ng mga mga larong panlalake nang ma-realize kong mas masaya at challenging pala kay Barbie iyon

9. Any childhood dreams? Nung kinder ako gusto kong maging ballerina.

10. Did it come true? Hindi at wala na akong balak tuparin.

11. Most memorable childhood moment? QUESCI.

12. Current occupation? Empleyada ng buhay-buhay

13. Past jobs? Pagkatapos ba ng graduation iyan? Mabuti nang malinaw. andami ko kasing naging odd jobs nung nag-aaral pa ako. Pero, sige. After graduation:  Ummm... Publications Adviser, Private HS teacher, Online magazine writer/reporter, Filipino tutor ng Haponesa, English Book Writer, Computer Graphic Artist, Academy teacher, Home Tutor sa mga Koreano, Technical Support, Senior Technical Support Assistant, Technical Support, at Technical Support ulit. Grabe! Andami ko na palang naging employer in 5 years. Hindi ko na nga nilalagay lahat sa resume ko.

14. Dream job? maging housewife! Oo, alam ko, sayang ang ginugol ko sa graduate school. Eh, ayoko nang mag-opisina eh. Huwaaaa. Mag-quality time na lang kami ng mga bata. Tuturuan ko silang mag-drums, gumastos ng kuryente at gumawa ng sariling cosplay costume.

15. How do you see yourself 10 years from now? sana housewife na ako. Ayoko nang pumasok mamaya sa trabaho!!!!!!!

16. Do you have any pets? Si Bentot, ang matabang pusa naming marunong magmasahe

17. Please show/tell us the contents of your bag! Ngayon? 3 pair ng drumsticks-- kasi you'll never know kung kailan ulit mababali o lilipad ang kalahati ng Zildjian mo. Wallet na may lamang iba't ibang cards-- Timezone Gold Card, blue Timezone blue cards, Tekken 6 card, Tokyo2 card, etc. etc. Cellphone kong kanina pang namatay kasi naubusan ng baterya. Essentials.

18. Something you must always have with you at all times? Damit?

19. What or who is on the wallpaper? Autumm MS wallpaper.  Kaka-format ko lang kasi, di ko pa nako-customize.

20. How do you define your style? Nakapaldang walang kikay.

21. Favorite fashion brand? Basta presentable, OK na.

22. What’s your favorite cartoon? Teenage Mutant Ninja Turtles Wohoooo.  Oorder nga ako ulit ng comics nila from sa abroad. Na-max-out ko lang credit card ko eh.
Anime? From most to least ba?  Teka movie, OAV ba or series? Sana nilinaw mo.  Pero, sige. Sige. Gusto kong sagutin iyan. Series muna: 1. Slam Dunk  2. Rurouni Kenshin  3. Mobile Suit GUNDAM SEED  4. New Mobile Repost Gundam Wing  5. Romio no Aoi Sora  6. Full Metal Alchemist  7. Death Note  8. Bleach  9. at 10. Ah! Ang hirap pumili para sa 9 at 10 kasi unfair naman sa mga anime ng aking pagkabata kung hindi ko sila aalalahanin dahil pinasaya naman nila ako pero andami na kasing lumabas after nila. Siguro saka ko na pag-iisipan 9 at 10.
OAV: RK syempre.
Movie:  Mononoke no Hime, Grave of the Fireflies, FMA

23. Favorite TV show. right now? Come to think of it, tagal ko na palang hindi nanonood ng TV bukod sa balita at religious shows.

24. What were you good at in school? Teka sa HS ba? Sige, HS na lang. English at Filipino siguro kasi suki ako ng mga pa-contest nila tuwing English Week at Buwan ng Wika. Kinalawang na nga mga medal eh.  Galing ko siguro mambola ng judges. Ah, saka nanalong 3rd place yung Research Paper namin. Humility aside pero, ako leader nun. Hay. Katakut-takot na hirap ang idinulot ng Research na iyan. Saka, ewan ko ba kung paano nangyari pero, nanalo akong Best Defender ng paper during the Calculus Fair. Galing ko talaga siguro mambola sa stage. Hahaha. Saka ano pa ba, siguro drawing kasi cartoonist ako sa mga dyaryo namin noon.  Ah! Naging chess varsity member rin nga pala ako ng 2 years. Bukod doon, mag-charge! Ang galing ko mag-charge. Hahaha!

25. Who can you do an impersonation of? Yung robot sa sa Tagalized Eto Rangers!!!!!  'Yung tagapili ng mga ipapadala sa misyon.  Kaya kong gayahin boses 'nun. Ang saya-saya.

26. Something that you would call yourself? Ahhhh.... Glad?

27. What do you collect? Halu-halong mga bagay. Yehheeeyyyy!

28. What is the most expensive thing that you have ever bought? Hmmm... Computer Set

29. What was the best present you have ever received? Birthday ba? OK sige birthday. Nung 7th birthday ko, niregaluhan ako nila Daddy at Mommy ng Play-Doh Set-- 'yung may mga hulmahan pa. Ano pa ba? 'Yung tuwing sinselebrate ng mga kaibigan ko 'yung birthday ko. Presence pa lang nila OK na. Teka, itong last birthday ko, binigyan ako ng Amerikanang blue-eyed trainer namin ng home-made oatmeal cookies. Sobrang na-touch ako kasi less than 2 weeks pa lang kaming magkakilala.  Pero kung hindi birthday? Marami. Nung nagulat na lang ako kasi isang araw 'nung college ako, pag-uwi ko, may computer set na ako sa bahay. Hindi sinabi nila mommy, ibibili pala nila ako.  Ano pa ba?  Nung grade school ako, parang ganoon din, pag-uwi ko, may typewritter na ako para sa pagta-type ng balita. Si Kuya, binilan ako ng Gundam Wing Endless Waltz CDs.  Andami eh. Ang gift naman kasi basta bukal sa loob ng nagbigay, nagiging best. 'Yung favorite Tito ko na cancer survivor, binilan ako ng Tournament size na Chessboard 'nung time na walang-wala ang family namin at siya naman walang-wala rin. Iyon. The best rin iyon. Si Shels, binigyan ako ng hand-painting masterpiece niya ng Kaoru Kamiya... sunod na tanong na, please.  Salamat.

30. Do you play any musical instruments? Totoo ba? Drums (basta may musical score ah, I can't play by ear),  konting-konting gitara (napako na ako sa Alapaap ng Eheads T.T), very basic keyboards (again, kailangan ko ng piyesa), saka dati, kaya kong tugtugin Titanic sa bamboo flute-- pero ngayon ni Do-Re-Mi doon nakalimutan ko na

31. What is your first impression of ARASHI? Hapon na boy band.

32. When or how did you first learn of them? kay Venus

33. How long have you been a fan of them? Ummm... di naman nila ako fan. Si Venus tanungin mo. Iyon.

34. What do you think makes them different from the other JE groups? Hana Yori Dango

35. What is your special skill? Kaliwete ako pero kapag nagtsa-chop sticks at gitara, kanan. Hahaha.

36. What do you think separates you from other people? Ako lang ang babaeng member kapag Mechameet.  At, ako lang ang may dala ng drumsticks kapag lumalabas araw-araw kahit papasok lang sa opisina. At! Sa lahat ng opisina at lugar na napuntahan ko, ako lang ang naka-switch ang primary buttons ng mouse-- kaya nga kapag kailangan ng IT or taong gagamit ng PC ko, branded na nila "ayan, yung computer na baligtad ang mouse."  Sa bahay ko na nga lang 'di ginagawa kasi baka malito si Micah.

37. Is there something that you want to try the most? Try? As in hindi pa nasusubukan? Maging housewife!!!! Ayoko nang pumasok sa trabaho mamaya! Hahaha!

38. What have you been currently working hard on? Trabaho at JRock.

39. Something that has caught your attention recently? Ang sakit ng ngipin ko!!!! Can't wait to get out of these braces.

40. What do you like doing best? Magmahal, woah!  Nagulat ako sa sagot ko.  Let me clarify that. Magmahal sa mga hilig ko.  Magmahal sa mga pinapahalagan ko. Ikaw ah.

41. What is your best characteristic? Bigay-todo

42. What is your bad habit? Katamaran

43. Do you have any fetishes? Alam mo naman 'yung mga type ko, 'di ba? Hihihihihi.

44. How do you release your stress?  Maghapong Bumping at The Local Art!!!!!!  Wohoooo!

45. What activity completes your day? Ang gwapo talaga ni Okuda Satoshi!  Local Art! Local Art! Gusto ko talaga sanang umorder ng CD nila para makatulong naman sa kanila kaso out of stock online. Huhuhuhuhu.

46. Do you have a favorite saying? Wohooooooooooo!, Yeheeyyyyyyyyyyy!, at Hahaha (LOL for short)

47. What motivates you in life? One step at a time lang. Kita mo mamaya, gabi na naman.

48. Where do you take inspiration from? Sa paligid-ligid

49. In the future, I want to ______ : become a housewife! Yeheeeeyyyy!

50. What was the best thing that happened in your life? Religion.

51. Most embarrassing? Dami.  Huwag nang balikan.

52. What is the funniest story that you could share? Hinahabol ng pusa namin dati buntot niya. Ikot siya ng ikot, di niya mahabol.  Kahit pagod na pagod na siya, hindi siya sumuko.

53. When was your first love? Aahhhh.... Venus ano ba itong mga tanong mo?!!!!!!!!

54. Describe him? What a question!

55. What action from a guy makes your heart flutter? Haay. Ang gwapo talaga ni Okuda Satoshi!

56. What qualities do you look for in a man? kailangan ba may pamantayan? Kapag mahal mo, mahal mo.

57. What type do you hate? Barbero

58. What does a guy do to turn you off? Kapag nananakit ng babae

59. The easiest way to your heart? malamig na boses, magaling sa pagtugtog ng musika, pareho ng hilig ko, saka syempre yung gwapo sa paningin ko.  Hahaha.

60. The meanest way to be broken up with? Tough question. Siguro 'yung hindi ka pinaglaban.

61. What kind of people can’t you stand? Barbero at nananakit ng babae

62. Favorite food? Filipino at Japanese cusines saka something spicy pwera lang Indian food. Saka brazo de mercedes-- best cake in the whole wide world ^__^

63. Something that you do not like eating? bawal sa religion

64. Something that you would recommend to someone visiting your country? Filipino food

65. What would you cook for ARASHI? Pork Sinigang, Beef or seafood Kare-kare, Leche Plan

66. What would you like to show them? Si Venus, number 1 fan nila siya!

67. Any CM you would like them to do? CM? As in commercial? Something na makaka-relate ang bawat dalagita at dalaga

68. When are you at your happiest? Alam mo na 'yun. >___<

69. What is it your most afraid of? Sa buhay na ito? Ayoko sa mga ahas, snake-skin, at mga nakawalang-aso. They make my heart skip a beat everytime. Siguro kung may sakit ako sa puso, matagal na akong inatake.  Saka siguro masaktan ulit. Ano pa ba? 'Yun na muna. ^___^

"Freedom is something you have to fight for, rather than something you're given.
Being free means being prepared to carry that burden."
-Charles Beams of Eureka Seven
Previous post Next post
Up