january 29, 2007-
formal night yun, kaya busy busy kami.tapos ako nagshoot ng portrait tapos dining room kasama si nicole(nakacostume ng spanish lady).
mga 6:30pm umakyat kami sa gallery para iwan ang camera at kumain.
tapos biglang sabi nung boss ko "hey little girl, you'll be leaving tomorrow, you'll be transfering to zuiderdam"
tapos nawala lahat ng pagod at gutom na nararamdaman ko.at nawindang ako buong gabi.
parang umalis na yung kaluluwa ko sa lugar na yun.
oo nga, gusto ko malipat, oo nga gusto ko mapromote.pero parang mali naman ata na less than 24hours bago ako umalis dun lang nila sasabihin.
pero ok lang di ba.
at mas lalong sumaya nung nalaman ko na...
nasa miami ako ng 7 days!nasa hotel lang at walang trabahong kelangang gawin.
what more can you ask for di ba?
kaya pagkatapos ng trabahonung gabing yun, lumabas kami sa napakalamig na punta arenas, chile.at nagbar kung saan madaming babae at lalaking magaling sumayaw ng salsa!
kaya naghanap kami ng lalaking pwede kaming isayaw para magmukha din kaming magaling ehhehe.
3am na kami bumalik sa barko.tapos natulog na ko sa sobrang pagod.pero 4am ginising nila ako (hanne, nicole,ryan) at binigay ang despedida gifts nila sakin.sobrang natouched ako kahit na ilang beses akong natutumba sa kama dahil sa sobrang antok.
binigyan nila ako ng album na may laman ng mga pictures namin mula nung gabing yun at iba pang pictures, at bottle opener at madaming postcards na may picture ng prinsendam.
january 30, 2007-sobrang busy!daming kelangang gawin tapos nagronda pa ko sa buong barko kakahanap sa mga kaibigan ko para magpaalam.
AT sobrang ginaw pa sa labas.malamig na nga ang lakas pa ng hangin na napakalamig.
antagal pa dumating nung agent namin.2pm na kami nakaalis ang flight namin 3pm.
tinignan ko yung album na may mga pictures na binigay nila sakin habang patake off yung eroplano sa chile.tapos natatawa ako na nalulungkot.
mamimiss ko prinsendam pero mas malaki yung feeling na masaya ko na finally tapos na yung stage na yun.malungkot ako kasi hindi ako nakarating ng antarctica, buenos aires at brazil.pero napakasaya naman atleast balik caribbean na ulit!sa mainit na weather at mainit na beach!
january 31, 2007-5am lumapag ang eroplano sa miami.hindi masyadong malamig unlike dun sa pinanggalingan ko.after 30mins sinundo na ko ng shuttle ng hotel.at pagkapasok ko sa kwarto ko, sobrang saya ko!
ang laki ng kama ko(malambot at madaming unan)!may microwave pa ako at ref sariling tv na may 100+ channels at banyo na mas malaki pa sa cabin namin sa prinsendam!(grabe hindi na ako sanay maligo sa maluwang na banyo!)
eto na yun.at wala akong balak gawin kundi maginternet buong araw, kumain(umorder akong madaming chinese food kanina, bukas japanese food naman tapos pizza tapos....)walang trabaho ng 6 na araw!wahahay!
mga bradders.gusto ko lang sabihin sa inyo, na ang mga prayers ay nasasagot.konting tiis at sipag lang =)
*at ngayon tinanggal ko muna ang relo ko at nakasilent ang celphone(na usually ay naka loud mode dahil ginawa ko siyang alarm sa loob ng 2 months)wala akong pakelam sa oras.
woohoooo