5 years ago sabog na sabog kami ni xol, nakakita ako ng 1 gallon ng rocky road ice cream sa freezer tapos kinain namin, tawa kami ng tawa habang nagkwekwentuhan after ng parang forever, di namin namalayan naubos na pala namin.
nasusuka ako tuwing naalala ko yun.pero ang saya.
hindi ko pinagsisisihan na nagkaron ako ng phase na ganun dahil madami din ako natutunan at ang sarap niya ireminisce minsan.
--
ilang buwan na nakakalipas nung parang nagrereklamo ako kasi ang stagnant ng buhay ko parang walang bagong nangyayari, hindi gumagalaw.
medyo ganun pa rin ngayon pero masaya ko dahil meron akong kasama sa pinagdadaanan ko tapos pag magkasama kami parang ang sarap sarap at ang saya ng buhay.
--
ganitong mga oras tuwing parang gusto ko gumawa ng art o gusto ko magsulat.
para kasing pag umaga tamad na tamad ako o minsan parang gusto ko magpapawis, tumakbo o magbike.o minsan parang antok na antok ako gusto ko lang humiga.
pero kakaiba yung pag madaling araw, na nakauwi na ko ng bahay tapos hindi ako lasing na parang gusto ko lang magdrawing o magpinta o magsulat ng tula o kwento pero naisip ko tinatamad ako kasi wala akong desk,o pag sa kama naman ako gumawa alam ko matutulog lang ako at ilalagay ko lang sa tabi ng kama yung lapis o ballpen o pintura tapos sasabihin ko "ay bukas na lang pala"pero kinaumagahan ganun ulit yung mangyayari kasi tatamarin nanaman ako sa umaga at gusto ko lang nanaman humiga o magpapawis.
naisip ko tuloy siguro ang mga gusto magsulat o magpinta parang madaling araw talaga nakakahanap ng creative energy o juice.hindi ko alam kung anong meron sa paligid, sa sinag ba ng araw o sa ingay ng mga tao sa umaga o dahil pag madaling araw tahimik lahat madali magconcentrate o malungkot ang mood ng madaling araw parang magisa ka kasi halos lahat natutulog pwera lang sayo.o pag madaling araw dun mo lang marerealize na namimiss mo yung mga ginagawa mo dati o naiisip mo na madami kang kayang gawin na sinasayang mo kasi tinatamad ka lang, ayaw mo kumilos kaya gusto mo patunayan sa sarili mo na hindi, nandito pa rin yung talento ko pero oo nga tinatamad nga ko.kaya bukas na lang ulit, susubukan mo na lang ulit hanapin yung mood bukas.
gusto ko itayo ulit yung desk ko para wala akong excuse sa sarili ko pag gusto ko magtrabaho,pero nakakatakot na baka pag nakatayo na siya hindi pa rin ako ganahan kumilos sasabihin ko nanaman ay bukas na lang.ibig sabihin hindi yun yung kulang, tamad ka lang talaga.o wala ka ng gana gawin yung alam mong kaya mong gawin kasi napapagod ka na rin.
nakakapraning isipin na maririnig mo sa mga tao o sa sarili mong konsensya na sayang ka naman marami kang kayang gawin pero ayaw mo kumilos.
tapos sasabihin mo, oo bukas kikilos ako.
pero kinaumagahan wala ka pa ring gagawin
--
masarap ngayong mga panahon na to kasi para akong nakikipagreconnect sa mga tao, madalas kausap o kasama ko yung mga kaibigan ko na hindi ko nakasama sa mga nakaraang buwan.
kung kelan naman ako aalis.
sabi nila harriet wag ka na umalis.
pero sasagot ako na hindi pwede, kelangan ko to.na parang ang lakas lakas ko at gustong gusto ko talaga yung gagawin ko.kahit na sa likod ng lahat ng iyon sobrang lungkot ko kasi ayaw ko naman talaga sila iwan.
tapos iisipin mo magiging selfish ka ba sa desisyon mo o sila nagiging selfish kasi ayaw ka nila paalisin.