Aug 08, 2006 16:00
eto nanaman panahon nanaman ng parang nangangati paa ko.
tangena bakit ba may ganun
gusto ko pumunta sa malayo
yung mas malayo kesa zambales, yung parang 24 hours na byahe.yung nakakapagod kahit na nakaupo ka lang.tapos dami mo makakaaway na konduktor.tapos mawawala ka pa.
o kaya nakatambay sa airport or nagmamadali makapunta sa airport kasi tangena late ka nanaman.
tapos pag andun ka na sa destinasyon mo parang putangina wow ang ganda dito at parang wala ka ng iba pang gsuto isipin
todong enjoy na enjoy ka sa lugar.
walangya kasi parang ang bagal ng buhay ko.or parang may nagpapatakbo sa buhay ko.
hindi ko hawak.
hindi ako yung nagplaplano.
chineck ko sa website ng cebu pacific, 99pesos manila to tagbilaran.
pag mawala ako bigla nasa bohol lang ako.
--