bagong gising! *rubs eyes*

Dec 23, 2005 17:29

i just woke up from a rather not long nap. 3 hours lang yata ako nakatulog pero it was worth it naman, though i really wanted to have a long nap, pero ayus na rin yung kanina. :) although i'm still sleepy...haha! weird ka talaga ela. ;)

here goes my sipon again. yeah i know, yuck. well hindi naman totally yuck, kaso lang kasi, it feels like forever na ako magkakasipon eh!

err, knock on wood, wag naman sana. (umuwi ka na baby...) ;p

pero kasi since december 8 pa itong sipon ko,at hindi pa rin naaalis ever since. huhu. wawa man aku. haha! paawa epek ba? *chudoink*

ooh the effects of cold weather has taken its toll on me! well ako rin naman may kasalanan eh...:(

kasi nagsimula ang lahat nung umattend ako nung december 7 na concert sa uplb featuring...

teden! orange and lemons, spongecola, velcro and dicta license!!! :D

it was sooo rainy that night. 7 pm kasi yung nakalagay sa ticket na time na magstastart yung concert, pero well, as usual, as most concerts usually do, nagstart na siya ng late, mga past 9 pm na yata. at mga 8 pm pinapasok ang mga tao. and it was raining so hard that night ha! grabe! dyahe ang outfit ko! i was wearing this ruffled red and white floral skirt and black flipflops and a black blouse. buti na lang i was wearing a black spaghetti strap sa loob nung t-shirt at may dala akong jacket for extra warmth. nga lang, wala akong dalang payong kaya nakisukob ako sa mga kaklase ng mga kasama ko, sina cha at gale. andun nga pala sa loob ng umbrella na sinusukuban namin yung older ate nung crush ko sa org namin. heehee...kahiya...nung battle of the bands pa niya alam na may gusto ako sa kapatid niya. kaso taken na kapatid nun eh. oh well...crush lang naman eh db?

anyway...

i wasn't even planning to go. kasi 1. masama na pakiramdam ko that night, sinisipon na ako dahil sa sobrang lamig, ooh! the weather kasi. 2. kasi tinatamad akong pumunta 3. kasi ang dami ko pa palang gagawin. kaso natuloy ako eh. malas ko nga lang at natuloy ako, kasi nagkasakit ako the next day, although hindi ko sinabi sa nanay ko, at nalate pa ako sa klase ko. tsk tsk tsk. i knew it, dapat di na ako tumuloy eh...oh well...tapos na eh...wala na rin akong magagawa...malas ko talaga that night! oh well di naman purely unlucky, may experience din ako dun eh...*wink*

P.S.

sa mga nakakaalam nung experience ko, ssshhh...
Previous post Next post
Up