of gays and inverted judgements.

Jun 24, 2012 17:25


When I was in high school, me and one of my guy bestfriends used to joke, “Bakit ang bading dumadami, di naman nanganganak?” Totoo naman kasi. Although wala akong problema dun, parang may mga times na asiwa pa din ako. I think it has something to do with the environment I grew up in. In my alma mater, hindi uso ang bading. Out of 300-400 students per year level, 3 lang ata ang nagladlad sa batch namin. Which is napaka-kaunti compared sa ibang high schools. Para sa min, ‘unicorn’ na sila. As in, bihirang-bihira. So when I went to Manila to study, na-stress ako. Ang daming bading sa classroom at sa college namin in general. Yung ibang mga kaibigan kong babae, kilala nila kung sino yung hindi pa umaamin. Nung first year, nakiki-ride ako sa panghuhula. Akala ko madali lang. Pero nagbago lahat nung 2nd year ako.
May naging classmate ako sa P.E. nun. Social dance. (Okay, some of you may find it gross, but to be honest, yun ang pinaka-masaya kong P.E. sa buong buhay ko. :p) Katapat ko siya. Hindi siya gwapo. He looks weird nga eh. Syempre, stereotype, kasi taga-science siya, tapos taga-AB ako. Guybestfriend siya ng isa kong kabarkada. Wala, feeling ko talaga ang lambot niya, kasi mas fatale pa siya sa kin kumendeng minsan. And besides, ang elitist ng dating niya kasi ganoon naman talaga lahat ng science courses sa university namin. Parang ang tali-talino at 5 oras kada araw nagpapaka-dalubhasa sa iba’t - ibang disiplina sa syensya. 
Akala ko talaga, bading siya. Hindi ko nga siya kino-close nung una eh, kasi naramdaman ko na yung pagiging ‘diva’ niya. Inis na inis pa ako, kasi kami yung partners for prelims then gusto niyang mag-practice ng isang linggo. Gusto ko siyang i-ngudngud nun, kasi ang dami kong ginagawa. Pero pinagpapasensyahan ko siya kasi bestfriend siya ng barkada ko. Pero yun na. Na-develop ako sa kanya. Kasi, ewan ko. Basta. Lalaki naman pala talaga siya, at ang masakit nun, naging flavour of the year ko pa siya. Feeling ko nga, type siya ng bestfriend ko (kasi mga ganoong type naman talaga ang type niya) pero parang hindi niya malandi kasi nga, kami na yung nagka ‘chemistry’. NAKO, TUWING NAAALALA KO, HINDI KO ALAM KUNG ANONG FEELS BA. 

daily ramblings

Previous post Next post
Up