Mar 06, 2010 03:33
Alam kong deads naman itong LJ so I'll be a little less formal since puro twitter-feed lang naman ang kalaban ko sa flist :)
Chismoso ako so pagkatapos magbasa-basa ng formspring ng may formspring at 3 in the morning nadiscover kong nagbalikan na pala si J at si L. Hindi ko kilala personally ang dalawa pero FOAFs (friend of a friend) at facebook-friends rin. Ayun. They're back together again, at kahit na nakipagbreak si L before tinanggap pa rin siya ni J dahil according sa formspring ni J, mahal na mahal niya pa rin si L. Even though certainly J can do much better than L. Looks pa lang eh. At obviously mas matalino ako kay L. Pero in terms of emotional stability ewan ko lang. Wahaha bitter.
But how do you quantify love? Hindi ba isa lamang itong feeling? Something irrational? Pag-asang walang inaasahan, isang puro at dalisay na kilos ng pag-asa na hindi mabibigo dahil nga wala itong inaasahan? (Eww.) So how do you explain it to others who are baffled by your decision to take L back? At siyempre ako rin mapapaisip about my own situation. Bakit nga ba niya ako sinagot in the first place? Mahal ba niya talaga ako? Or am I just a substitute for a lost love, panakip-butas? May "hidden agenda" ba siya, malakas lang ba talaga ang dating ko, o nahumaling siya sa mga talents ko, at naisip niyang magiging useful ito para sa mga academics hanggang sa dumating sa point na pakiramdam niyang OBLIGADO na akong tulungan siya sa mga acads niya, na nangyari nga at sukdulang KAKAPALAN NG MUKHA NIYANG SUPER USER-BOYFRIENDLY? Haay. Hindi na nga ako galit eh. Pagod na akong magalit. Sabi nga ni Mam Simpas nakakapagod maging doormat. Nakakapanliit ng loob. At ayoko talaga ng pakiramdam na ako AKO AKO AKO AKO AKO ang naghahabol. Nandidiri na ako sa sarili ko.
Maari rin namang isiping kaya niya ako sinagot dahil may nakita ba talaga siya sa akin that is worth keeping, BEHIND all these skills and talents, at own fault ko na yun na hindi ko ito maappreciate sa paraang ipinapakita niya sa akin? And vice versa, dahil anumang effort ko, mukhang hindi nakakarating sa kanya ang pagpapakita kong sariling paglalambing. And that for me is the tragedy. Dahil hindi kami nagtatagpo. And someone always gets hurt, even though I know both of us are trying our best to keep this afloat. (BOTH of us nga ba? Baka lang nag-iilusyon lang ako, pinoprotektahan ko ang sarili ko sa realidad na mas mahal ko talaga siya kesa niya ako.)
(Super gulo na nitong sinusulat ko. Pag binabasa ko kasi ulet may naidadagdag ako sa gitna kaya nawawala ung flow. Pero bahala na. Pasensya na lang.)
Teka akala ko ba pinagchchismisan ko sina J at L. Arrr malandi lang talaga ako kaya napunta sa kanila ung usapan :) Nahihiya nga akong magtanong ng love-advice kay J hindi naman kami ganun ka-close, at baka pakiramdam niya nilalandi ko lang siya :P Pero ayun nga. I really really hope that by the time this month ends, ok na ulet kame. Studyante nga naman pala siya, before anything else. Ako, bahala na. Yun siguro medyo bitter ren siya dahil isang buong buwan ang agwat ng bakasyon namin, so hindi talaga magtatagpo. Pwes, kasalanan ko bang parelax-relax nalang ako ngayon at may thesis pa siya? Ako pa nga ang mas kawawa dahil I have the luxury to think about these things, and right now I'm going CRAZY thinking about these things, samantalang siya maari niyang idahilan (at LAGI nga niyang dinadahilan) na busy siya so wala siyang oras na pag-isipan itong mga ganitong bagay.
Haaay. Grrr. Mula sa usapang J and L nabalik nanaman sa J and N, Nestea vs Jason, parang Plants vs Zombies, Alien vs Predator, ano pa ba, Angels and Demons, tang ina andaming movies na hindi napapanood dahil sa galit-galitan, ung Percy Jackson, Wolfman (na medyo pangit daw according to reviews), Alice in Wonderland (kahapon pa lang naman ang start ng showing kaya siguro may 2 weeks pa kame para magbati). Maganda pala yung THE ROAD, post-apocalyptic film, pinanood namin ng tito ko kahapon. :)
Kung pwede lang sanang mag-mental telepathy para di na kelangan ng salita at ma-mimisinterpret nanaman for the nth time.