Oct 09, 2009 07:56
Sorry at kelangan ko lang magreact.
Nakakarindi talaga ang pagka-GC ng ibang tao. As in yung tipong sinasanto ang syllabus at hawak-hawak ang scical sabay calculate ng kelangan para makakuha ng mas mataas na grade. At yung tipong ginagawa ito start ng sem palang, every time may ibabalik na requirement, every time feel lang nila bumababa na ang grade nila before their very eyes, hanggang matapos ang sem wala ng patawad. Oo na't aaminin ko me ganyang streak ren ako paminsan-minsan, lalo na't me hinahabol na Latin honors pagkagraduate, pero hindi naman yung tipong bawat pipitsuging quiz, seatwork and whatsoever na worth 5% ng grade sinasama sa calculations, at memoryado na ang syllabus pati ang free sked at cellphone number ng prof para kulitin kung bakit ganun na lang ang nakuha nilang grade.
At ang pinaka-piiiiinaka naiirita ako ay yung namamalimos ng barya tuwing may ibabalik na exam. Yung tipong hihingi ng 1 point dito, 2 points doon, na halatadong pati yung prof mo naaasar na sa kakulitan ng studyante at pinabibigyan nalang para manahimik. Tang ina, kung ano yung binigay sayong grado, un na yun!!! Tanggapin mo at wag ung aalma-alma pa. Argh talaga. Wala ka bang tiwala sa abilidad ng prof mong magbigay ng makatwirang grade?? Minsan nababadtrip ren ako lalo na kung may mga sadistang subjects na hinihila pababa ang QPI ko pero tinatanggap ko rin in the end dahil alam kong may pagkakamali rin naman ako. So work harder next time nalang, take it as a lesson. Pero bakit ba me mga taong pinipilit magpababy sa grades??? Ano bang problema niyo, mga mokong!! Tapos, magtetext text pa HABANG MAY GAME na walang kamalay-malay na may GAME dahil nag-aaral, na nagtatanong kung ano ang format ng ganitong reaction paper chuvaness, na tipong hindi makagagalaw unless sabihin ng prof ang every single fucking detail ng report, pati font size, single spaced ba, Verdana o Wingdings, long bond half bond A4 anu pa man, eh it's just a stupid reaction paper! Bwiset!
Grabe nakaka DISILLUSION lang. Fuck. Ang tanda tanda na grades pa rin ang iniisip. Ang laki laki na isip-bata pa rin, parang batang inagawan ng lollipop na iiyak basta-basta kapag mababa ang binigay na grades. ARGH. Pati ako tuloy natetense. Oo na ipokrito na pero you can't help it ganoon talaga ung sistema, kelangan makibagay. Kaya nga intended for myself ren itong rant na ito. But how I wish, how I reeeally fucking wish it wasn't so. Bakit hindi na ba pwedeng matuto na walang kakabit na incentive? :( Bakit laging may hinahabol, laging may inaabot? Bakit ayaw makuntento sa mga bagay-bagay? Bakit napaka KITID ng competition na everything reduces to "I'm superior than you" dahil nakapunta ako sa ganitong event, dahil mas mataas ako sa ganitong quiz, dahil nakapasok ako sa ganitong school?
SHIT MAN. >_< Umagang umaga nababadtrip ang tao eh