Jun 12, 2007 15:30
Katulad ng nabanggit sa pamagat,pasukan na bukas. Ang pinakakinatatakutan ng mga bagets.tsk tsk. Tapos na ang maliligayang araw na walang ginagawa kundi lumamon at manood ng telebisyon buong araw.Tapos na rin ang araw na natutulog ng matagal sa hapon at gumigising ng tanghali tuwing umaga. Lahat yun ay mawawala na! Sa susunod na summer ulit natin maeexperience ulit yan.Mahirap man tanggapin pero kailangan talaga natin pumasok sa ating paaralan. Dahil importante ito.Madami tayong matutunan kapag tayo ay nag-aral, dahil tayo ang kinabukasan ng ating bansa, tayo ang kinabukasan ng buong mundo.
ugh.
Noong linggo,ako at ang aking kapatid ay nagtungo sa bahay ng aking
sanpi.At doon ay pinakita niya sa akin ang kanilang 'yearbook' noong
sila ay nasa mataas na paaralan pa lamang.Madami akong nakitang
litrato(malamang yearbook iyon eh) at aking nakita ang mga ka-tropa ng aking kuya. Grabe, ako ay nagulat at namangha sa aking nasilayan na
mga litrato.Ako ay napa-wow! Ito ay kagulat-gulat! Iba ang mga itsura
nila noong sila ay nasa mataas na paaralan pa.Mukha silang inosenteng
bata(doon lang daw sabi ng aking pinsan) na wala pang kamuwang-
muwang sa nangyayari sa paligid.Wow talaga!
Marahil kayo ay nagtataka kung bakit ako ay nagtatagalog dahil ngayon
ay Araw ng Kalayaan.Ating itangkilik ang sariling atin,ipagmalaki natin
ang ating wika! Taas noo nating sabihin "Ako ay PINOY!"
Wala lang talaga akong mgawa kaya kung anu-ano nalang nagagawa
ko.
ugh.
*entaro adun! yeah baby!*
entaro adun!