Badtrip Mode

May 05, 2018 20:19

This short poem is dedicated to my love who has an initials of, RRMA. This post is in Tagalog so, peace!! ✌😝

~~~

Pagtapos ko gawin yung ginagawa ko
Ako ay pumasok sa kwarto at binuksan ang selpon ko
Nakita kong may mensahe na galing sayo
'Slr badtrip' ang isa sa mga mensaheng natanggap ko mula sayo
Hindi na ako nagtanong sa nangyari
Sapagkat paulit-ulit lang ang pangyayari
Kaya ako ay nag-isip ng paraan
Upang ang pagka-badtrip mo ay mabawasan
Kinuhanan ang sarili ng bidyu na nagpapaka-baliw
Baka sakali ang mahal ko ay maaliw
Kapag napanood ang bidyu ng baliw
Hindi nga ako nagkamali at ikaw ay napangiti
At ako ay natuwa sapagkat epektib ang aking pagpapangiti.

😘😘😘

poem

Previous post Next post
Up