Random Randomness.

Sep 10, 2008 16:07

1. Bakit ganun? Kinikilig pa rin ako pag naaalala ko. Hay, ewan. Basta kinikilig ako.

2. Bakit kapag suot ko yung Swiss shirt ko, umuulan at hindi ako nakakapaglaro? Pfft.

3. Ngayon at tapos na ang US Open, siguro naman makakatulog na ako ng maayos. Sana.

4. Shet, patapos na ang semester pero hindi pa rin ako sanay sa schedule? Yung walang Monday class. Sheet, ibalik nyo yung walang klase pag Wednesday! Ngaragan kasi. Booooo!

5. Grabe, inatake ako ng inspirasyon kanina sa McDo Cyberzone. It's been a while since I wrote a fanfic on paper. LOL, at kemo... real person slash pa siya. And why do I always portray Rafael Nadal as a cute and innocent character? Yung tipong, so adorable you'd wanna huggle him? X-D

6. Sa "way you look at me" (hindi yung kanta), kinikilig ako. Yes. Epekto ba ito ng magbe-berdey?

7. Naaadik ako sa pagbabasa ng Andy Roddick fics. Bakit late bloomer ako sa Andy Roddick Appreciation? *scratches head*

8. Bigla akong tinamaan ng katamaran. Malay ba. Siguro epekto ng sked.

9. I saw yung trailer ng "Twilight" kanina. Looks cool. I might watch it.

10. Ayun, random ako ngayon. Sabog sa Psych 101 exam kanina.

cate, andy roddick, birthday, school, tennis, fanfiction

Previous post Next post
Up