Numb ka? Sige. Ako na rin.

Nov 19, 2009 19:32

Minsan di ko na alam kung ba't ko pinipilit sarili ko sa gantong sitwasyon nang alam na alam ko naman na wala ring naman kakwenta-kwenta yung mga ginagawa ko o kalabasan nito. Akala mo na pinipilit kita na magkagusto sakin? Putangina, hinde. Hindi ko naman to pinilit. Putangina. Sinabi ko lang naman sayo at hindi ko naman ineexpect hindi ko naman inaassume o pinipilit na MAHALIN MO AKO. Kaya pwedeng ikaw rin, huwag mo rin pilitin sarili mo? Kung wala, O DE WALA.

Tang...Sorry. Nakakapagod na eh. Hindi mo ba alam kung gaano nakakapagod ang ganto? Yung tipong, nung unang nangyari sakin to, sa huli, parang sinabi ko nalang, "Bea, wag mo na tong hayaan na maulit, okay?" at saan na ba ako ngayon? Hinahayaan ko nalang.

Eh bakit ako magrrisk ng gantong kadaming chenes at ikaw hinde?

Nakakapagod kayang pagisipan kung ano, ako ba o siya? Bakit ba ganto? Competition ba? Tae. Umaasa ako sa wala. Umaasa ka rin sa wala. Ang hirap kasi na parang pagnakita ko siya, parang oo, mascute pa siya sakin, masmatalino, masmagaling sa kahit anong chenes. At di ko rin naman kayang magalit sa kanya kasi fuck best friends dapat kami.

Buti pa yung isang tao diyan, walang kacomplication eh.

You know what? Make your fucking mind. Kasi baka maubos lang oras mo. Hindi kita pinepressure pero di ko lang alam kung gaano na ako katagal aasa.

Oo, kung akala mo lang, masakit na hindi kita mapasaya, masakit na nakikita ko na wala kang nararamdaman, na lagi kang malungkot at nahihirapan, masakit na dapat, kung talagang mahal mo ko, hindi to ang talagang kalabasan nito eh. Kung alam mo lang yung pakiramdam na hindi ko alam kung sino pinagiisipan mo pagkagising mo, kung sino yung mas masarap yakapin, kung sino yung talagang mahal mo.

Oo na, wala ka nang maramdaman, sorry ah. Sorry talaga.

Sobrang sanay na ako na masaktan at mabaliw sa praning at sa kainggitan. Hindi naman kita pinipilit eh. Gusto ko nga lang pumili ka ng tao para di na ako mahirapan/mapaasa/masaktan na. Gusto mo ba ng oras? Sige.

Hindi ko lang sisiguraduhin na pagkatapos mo mag-isip nandito pa ako.

Previous post Next post
Up