Notes: The following is an excerpt taken from Chapters 1 and 2 of my current work in progress (na pang-Desire!), Maldita Kong Puso, which is half-way done at the moment and is taking me more than six months to finish. Miss Apple of my favorite publishing company, MSV's Bookware Publishing, kindly tweeted me recently to ask re status of it. Laking hiya ko, 'day! I'm slow. As in really slow. And my being obsessed with Fenris in Dragon Age 2 and day job concerns aren't helping. In any case, here's
something for anyone interested to read (and get a taste) of said project. Sana hindi lang abutin ng June 2012 bago matapos. XD
Maldita Kong Puso
ni Monica Bautista
*
BANDANG ALAS-SAIS pasado na nang mag-isang akyatin ni Mia ang malawak na batong hagdanan pabalik sa Johaira Seaside Bed and Breakfast, ang resort lodge na tinutuluyan nilang mga Pahamak cast and crew since day one ng pamamalagi nila sa isla.
Iyon ang unang beses na hindi siya lubusang ginabi o inumaga sa taping nila roon; bukod kasi sa ubos na ang mga critical scenes sa tabing-dagat na kailangan ang presensya ni Felyang Lukring, eight a.m. sharp naman bukas ay sa simbahan ng nayon ng Tanglad ng biyahe niya, para i-shoot ang ilang eksenang may ‘kausap’ na hindi-makitang tao ang karakter niya.
Sa ngayon, however, malaya siya na magpahinga at magliwaliw. More importantly, malaya na rin siyang tuluyang i-wash-away ang buwakanang pang-Halloween na mga kolorete sa wangis niya.
Mia absently tapped the side of her face. Isang paligo, iyon lang ang bottomline na lamang ni Miss Virna sa kanya. Bagay na hindi na gaanong mahirap solusyunan, given na for the most part ay tinanggal na ni Jaz, ang makeup artist na nakatoka sa kanya, ang mga pigsa sa mukha at upper body niya. Ang bad-hair-day wig at taong grasa dress and balabal ensemble naman niya ay pawang ipinagtatabi na sa costume storage. Isang banlaw na lang, isang session sa ilalim ng chlorinated na tubig sa shower, and voila, may approximately 13 hours na siya as her normal gorgeous self. As none other than Euphemia Castillo, Mia for short, ang nakakatanda-by five whole minutes-na Castillo twin.
As for the younger Castillo twin-meaning Louisa Castillo, ‘Louie’ for short, well, may kulang-kulang na tatlong araw pa itong nalalabi para magpanggap bilang siya. Granted na magpahanggang-ngayon ay hindi pa rin nakakahalata si Adrian na hindi talaga si Mia kundi ang kanyang kakambal ang kasama nito sa cruise.
Ang una ko sanang super-romantic reunion with my boyfriend a year after ma-destino siya abroad, and I don’t get to go, muling buntong-hininga ng diwa ni Mia.
Saglit siyang lumingon pabalik sa dalampasigan, sa dakong sa tantsiya niya’y paharap sa timog-kanluran. Matataas na ang mga along paulit-ulit na humahagupit doon. Gaano ba kalayo mula sa Palawan ang Malaysia, anyway? Ang Malacca? Ang Kuala Lumpur? Ang sea route na tatahakin ng barkong Sunshine Opal pamula at patungo sa mga naturang siyudad? At nanganganib na ba siyang maging real-life Felyang Lukring kung seryoso niyang kino-consider na mang-comandeer ng motorboat sa pinakamalapit na pantalan upang somehow ay makasunod kina Adrian?
‘Well, base sa haba ng internal monologue mo, my answer would be yes, pangga,’ matulunging tugon ng inner Weng ng isip niya. ‘That and the fact na pinagsasalita mo ako sa iyong mind in the first place. Medyo nakaka-freak-out na nakakabahala na nakaka-touch, ha. Lumafang ka na nga at matulog nang mahimbing. Gutom at stress lang ‘yan. Pero just in case nanunuot na nga sa katawang-tao mo ang first ever tv drama role mo, dearest, I advise na you make paligo muna before attempting both.’
“Hay, siya nga, ano?” anas ng dalaga, smiling ruefully at that. Mia cast one last longing look at the evening seascape and continued on her way. A bath, a hot meal, and a long, restful sleep. At siguro ilang dakot ng Boy Bawang in between. Those were what she needed first and foremost.
Nakasindi na ang mga ilaw sa loob, subalit deserted ang front lobby ng lodge nang makarating si Mia roon. Wala rin siyang ibang nakasalubong on the way up sa kuwarto nila ni Weng sa second floor. Not even Weng o ang iba pang mga taga-production na hindi muna kasali sa shooting para sa hapong iyon, o kahit ang may edad na katiwala ng lodge na si Aling Shirley. Maliban sa malayong tunog ng mga alon sa dalampasigan at sa mangilan-ngilang wind chimes na ikinakaway ng nagdaraang hangin, tahimik. Sobrang tahimik.
Para naman akong naligaw sa isang eksena sa isang suspense/horror/thriller film.
Never mo siyang matatawag na matatakutin, pero may bahid ng kabang nilapitan ni Mia ang nakasarang pinto ng kanyang silid. Pinihit niya ang doorlatch; nakakandado ito. Kumatok siya, tinawag si Weng in case na nasa loob ito, subalit walang sumagot.
Samantala, sa silid sa pinakadulo ng pasilyo, may naulinigan siyang lagislis ng tubig. May ilaw na maaaninag mula sa nakaawang nitong pinto.
Mia frowned. W-wala namang occupant dapat doon, ah, kagyat na gunita niya. Not since nag-check-in kami rito.
May bagong guest sa lodge, kung ganoon? Isang taga-crew na nag-request na magpa-palit ng room? Isang ligaw na kaluluwang napiling magmulto kung kailan si Mia lamang ang naroroon?
A, B, or C?
“Weng...?” muling tawag niya. “Pearl? Aling Shirley?” Dahan-dahan siyang naglakad papasok sa kuwarto, not entirely sure kung ayos lang ba na wala siyang dalang pamalo o kung ano kung sakaling-
Isang malakas na kalabog. Nagmula iyon sa banyo, tunog na kagyat ding sinundan ng hiyaw ng kung sino man iyon na nasa loob.
Nagmamadaling sumugod si Mia sa banyo. She flung the door wide open-hindi iyon naka-lock, awa ng Diyos-and rushed in.
She blinked.
Isang lalaki ang nakahandusay sa sahig ng bathroom. Isang matangkad na lalaki, basa ang buhok, basa ang malalapad na mga balikat, ang maskulado nitong mga bisig at dibdib. Basang-basa ang matipunong katawan mula ulo hanggang paa, in fact, ‘di tulad ng asul na bath towel na hagip nito sa isang kamay.
Asul na bath towel na mabisang natalukbungan ang brasong humablot dito, true, but as for the rest...
Napalunok si Mia.
As for the rest, shall we say na... na-shock-and-awe ang dalaga. Especially nang mabanaag niya kung gaano kalaki ng, ah... Ng bahaging nabigong takpan ng tuwalya.
And the worst part of it was, the naked man before her wasn’t a stranger.
“Ren?” inkredulosong bitiw ni Mia.
MIA CASTILLO. Her, of all people, here, of all places.
Mattaku, pagod na eksklama ni Ren sa sarili. So siya pala ‘yung nadinig kong tumatawag sa labas kanina.
So much for answering the door. Kung alam lang niya, hindi na sana niya minadali pa ang pag-step-out sa shower upang sagutin iyon.
Bad enough na hubo’t hubad siyang nadulas at napabulagta sa sahig ng banyo, no small thanks to the combination of wet floor and the soap-slicked soles of his own stupid feet. Ngunit ang matagpuan siya sa ganoong kalagayan ng babaeng ilang taon na rin siyang itinuturing bilang kaaway na mortal? Motto warui. Terrible.
Konsuwelo na lamang ng binata na imbes na mapilayan, mabalian ng buto, o dili kaya’y mabagok ang ulo nang madulas at mapabulagta siya sa sahig ng banyo, pasa sa puwet lamang ang tanging pisikal na pinsalang kanyang tinamo. At nakayanan din naman niyang tumayo kaagad, all by himself-habang mistulang bagong-bingwit na isdang tumanga lang si Mia in the background-at matagumpay na naipalibot na sa wakas ang blue bath towel sa baywang at mga balakang niya.
Privates thus adequately concealed, Ren folded his arms squarely over his still-soaked chest, at suyang inirapan ang maarteng malditang kakambal na iyon ni Louisa. “Ano’ng ginagawa mo rito?”
“I think I could ask you the same thing myself.” Kung batay rin lang sa tinging isinukli sa kanya ng dalaga, the dislike was decidedly quite mutual. Bahagyang nakaangat ang isang kilay nito; may undercurrent ng talim sa politely conversational nitong tono. “And FYI, si Mia ‘to. Just in case na-lo-lost ka.”
Like hell. “Oh, I knew it was you the second na makita kita,” tugon ni Ren. “The Louisa I know would be sensible enough not to come barging into clearly occupied bathrooms. As would most other people.”
Suminghot si Mia. “Most other sensible people lock their bathroom doors kapag naliligo sila.”
“Sira ang lock, I needed a bath, and akala ko naman eh walang ibang tao sa vicinity.” Humakbang si Ren papalapit sa lagusan ng banyo samantalang nagsasalita, sa kung saan nakabalandra pa rin ang dalaga. “Makikiraan,” patuyang pakiusap niya rito. Kinailangan niyang yumukod nang kaunti upang makatagpo ang tingin nito. Matangkad si Mia-for a woman-ngunit mas matangkad pa rin siya, his height being just an inch or so shy of six feet. “And by the way, Mia, hindi mo pa rin sinasagot ang tanong ko.”
Umisod naman ito upang padaanin siya. “Not that it’s any of your business, Ren, pero may taping lang naman po ako rito,” karaka’y sabat ng dalaga. Sinundan siya nito pamula bathroom at pabalik sa loob ng kuwartong inilaan ni Ate Shirl para sa kanya. Nakapameywang na ito nang muling lingunin ni Ren, looking utterly pleased with herself. “I’ve landed a role sa pinakabagong teleserye ng MBN. Congratulate me.”
Now it was his turn to snort. Talaga lang, ha. “‘Role’? Ikaw? Bilang sino naman?”
“Bilang... supporting character.” Tumikhim si Mia, saka pahapyaw na idinagdag, “Na ultra-mega-importante sa main plot ng istorya. Ang dami ko ngang scenes, eh.”
“And yet nandirito ka,” Ren pointed out.
“Maaga kasi akong pinagpahinga ni Direk today,” medyo defensive nitong paliwanag. “Ngaragan kaya ang schedule ko bukas.” Hindi namula si Mia, not quite, ngunit dagling iniiwas nito ang tingin sa kanya, carelessly flipping a lock of long black hair over one shoulder. “So what about you, Ren? What are you doing here?”
Sou, tuyot na balik-tanong ng isip niya, nani shiteru no?
‘I came here para dumalo sa kasal ng pamangkin ng ninang ko,’ Ren could have said. Among other things. Like the fact na tiyahin niya ang may-ari ng beach resort at lodge na kinaroroonan nila ngayon. Or that sadyang maaga siyang pinapunta sa Tanglad ng kanyang Ninang Laarni upang i-rework ang dati nitong wedding gown para sa bride.
Subalit gabi na, pagod siya, at tanging isang tuwalya lamang ang nagsisilbing panangga sa lamig ng simoy-dagat. “Nagbabakasyon,” ang isinagot na lang niya. “Not that it’s any of your business.”
Tinalikuran niya ang dalaga at nagtungo sa maletang idineposito niya kanina sa tagiliran ng kama para makakuha ng matino-tinong damit. Akmang isusuot na niya ang white cotton t-shirt na kanyang napili nang mapagtantong naglalagi pa rin doon sa loob ng room si Mia. The girl couldn’t take a hint, apparently.
Bumuntong-hininga si Ren. Tumikhim. “Do you mind?” he called, casting her a sideways glance. Humarap siya rito without waiting for an answer at nagpatuloy sa pagsasalita, slowly and deliberately pulling the shirt over his muscled torso. “You know, usually kasi the girls who watch me put on clothes are the ones who helped me take them off in the first place.” Tumango si Ren, once, towards the door. “So?”
This time, Mia did blush. Nagkaroon siya ng eksaktong tatlong segundo para ma-appreciate ang bahid ng pula sa mapuputing mga pisngi ng dalaga bago irapan siya nito. “Jerk,” anito, and without further ado, padabog na nagmartsa palabas ng silid.
Score one for me. Nakahinga si Ren nang maluwag, a dry little smile appearing on his face. “Good to see you, too, Mia,” patuyang balik niya roon. By then, gayunpaman, tuluyan na ngang nakaalis na ito sa kuwarto niya. Good riddance.