Note: This post is a combination of English and Tagalog. So, um, sorry for the non-Tagalog readers. I'm a 'published' author writing under the handle 'Monica Bautista' for My Special Valentine / Bookware Publishing Corp. in my home country, the Philippines. Decided to post these excerpts for shameless self-promotion's sake.
Author’s Note: Five submitted manuscripts later, hindi pa rin ako marunong sumunod sa 23,000-word standard length ng publisher. Whee. (Gomen nasai na naman, Ma’am Apple… T_T) The following is an excerpt from the original draft na kinailangan kong putulin. I’m posting it here in my journal para maging ‘introduction’ of sorts.
Oh, and ‘My Lady Athena’ is just the tentative title for the novel. Baka ma-iba. Like Second Chances, related po ito sa first novel ko under Bookware, My So-Called Boyfriend, and follows the love story of Migs Linares (‘yung best friend ni Jairus/’Wallace’ sa first book) and his high school crush/almost-sweetheart, Athena Lucero.
Dedication: to Ma’am Eleanor Magadia, my Reading & Composition teacher in high school.
Preview for My Lady Athena
♣ Si Lalaki… ♣
“No, Mom.”
“At bakit naman, aber?” Sa kabilang linya, hindi naikubli ng bahagyang static ang incredulity sa boses ng kanyang ina. Safe and sound sa sarili niyang bachelor's pad, sa isa sa pinaka-high-end na residential suites sa marilag na lungsod ng Makati, he could just see her raise a skeptical eyebrow mula sa ancestral house nila sa kanayunan ng Palabra, Rizal. “Na-check ko na sa secretary mo,” patuloy ng ginang. “I know for a fact that you don't have to work today.”
Maraming salamat, Cindy, sarkastikong papuri ni Jose Miguel Linares, 'Migs' for short, sa naturang executive assistant. In retrospect, siguro nga ay dapat inaprubahan niya ang hinihingi nitong salary increase bago ibilin sa sekretarya na sabihing fully booked siya sa araw na ito. Or at least pinayagan ito na mag-paid vacation kasama ang dyowa nito next week.
Obviously, nakuha na ng kanyang mas galanteng Mama ang loyalty ng dalaga.
Think fast, Miggy-boy; think fast. “… Birthday party po ng panganay ni Jay sa Batangas,” karaka'y aniya, hoping he sounded his convincing best. “Kailangan ko'ng lumuwas ngayon do'n. Alam n'yo na, inaanak ko 'yung bata…”
Pa-saring na humagikgik ang kanyang ina. “Nice try, hijo,” sambit nito, “but either dalawang beses mag-be-birthday si JM this year, or nagsisinungaling ka. Nagamit mo na ang palusot na 'yan last month, remember?”
Hindi na nito hinintay ang kanyang isasagot; it was, of course, a rhetorical question. “And now that I've caught you lying through your teeth, I would really appreciate it kung sisipot ka na sa in-arrange ko'ng date para sa 'yo. Para mo nang awa, hijo.”
Bumuntong-hininga si Migs. “Only if you promise me that this will be the last one.”
“It could be. Kung pakakasal ka na bago ang 30th birthday mo, that is,” dagdag ni Señora Josefina Linares, nèe Alcantara, 'Señora Fina' for short, with matching melodramatic pause pa pagkatapos. “Hindi ka ba natatakot sa sumpa ng angkan natin?”
Heto na naman po tayo, hinuha ng 29-anyos na binata sa sarili, rolling his eyes heavenward. “Mom--”
“If you turn 30 at binata ka pa rin, you're doomed!” patuloy ng tinawag, na pasadyang hindi narinig ang pamakli ng anak. “Alam mo naman ang kwento ng mga kuya ng lolo sa tuhod mo na nangagsimatay sa giyera, hindi ba? At ang kapatid ng lolo mo, si Lolo Anding. Pati ang Tito Lars mo. At ang pinsan mong si Drew. L-lahat sila…” Bahagyang tumikhim ang ginang. Waring nag-atubili kung kailangan pang sabihin iyon out loud. “Uh… w-well--”
“Hindi na tinigasan mula nang nag-30-anyos sila,” Migs finished for her, ever helpful. “In other words, they all became sexually impotent.”
“Jose Miguel Linares!”
“What? Isn't that what you were trying to say?” pa-inosenteng tugon niya.
“Ah, ewan!” Señora Fina huffed. “Ang punto ko ay alam mo na ang maaaring mangyari sa 'yo. You're months away from your thirtieth at wala ka pa ring fiancee--let alone a proper girlfriend! Ikaw lang ang unico hijo namin ng Papa mo. Ang magiging anak mo lamang ang makapagdadala ng apelyido ni Emmanuel--may he rest in peace.”
“Apo lang ba ang pino-problema n'yo, mom? Eh di mambubuntis na lang ako--”
“Don't even start,” halatang asar na pakli nito. “If you're going to get a girl pregnant, you might as well marry her. 'Yun lang ang paraan para maiwasan mo ang sumpa. Dios mio, Miguel! Can't you see na para sa kapakanan mo rin 'to?”
“All well and good that you think so, but I don't believe in the curse at all.”
“'Yan din ang sinabi noon ni Drew. Nasaan na siya ngayon?”
“… Sa Cebu?”
“Sa isang special clinic sa Cebu,” pagwawasto ni Señora Fina. “Hihingi raw ng second opinion para sa pananamlay ng kanyang you-know-what.”
Second opinion? “Wait, sinabi sa inyo 'yan ni Drew? O ni Tita?”
“As if naman aaminin 'yon ni Drew sa Mama niya, ano? Hinde, hijo, kay Yaya Luningning ko nakuha ang latest chika,” tugon nito, na ang kasambahay na nagpalaki kay Migs ang tinukoy. “'Yung maid nina Drew na si Cristy, hipag niya. It only goes to show na kung may lihim kang dapat panatilihing lihim, kailangan mong kaibiganin ang iyong household help.”
O, sa kaso ni Cindy, mga sekretarya. “Mom, pinsan ko nga po si Drew, pero I don't really see the point of discussing his erectile dysfunction, kung meron man,” sambit ni Migs, na pumikit at minasahe ang kanyang sentido. “Especially this early in the morning. He is who he is, at ako naman ay ako. And that goes as well for all the other male 'unfortunates' in our family. Hindi totoo ang sumpa. Walang sumpa--”
--Ang sumpa ay nasa puso't isipan ng mga tao.
Pero die-hard Noranian man si Señora Fina Linares, hindi nito siguro ma-a-appreciate ang pagpapakyut niya kung sakaling sabihin ito.
“--Or at least, 'yan ang pinaniniwalaan ko,” sinabi na lang niya instead. “I'll find the right girl and marry her at my own pace, at my own time. Sa trabaho lamang ako sumusunod sa deadline.”
Sa winikang iyon, tila saglit na natahimik ang kanyang Mama. Inakala na ni Migs na tapos na ang isyu at naghanda nang magpaalam dito--rest day niya ngayon, and he was looking forward to a quiet day at home. Ngunit bago pa niya muling maibuka ang bibig ay biglang nagsalita ito.
“Alright, Miguel, I see you're not going to make this easy for me.” Huminga ito nang malalim. Ang tonong ginamit ng ina ay siyang tonong ginagamit nito noon sa tuwing nagmamatigas sa isang bagay si Migs kahit alam nitong mali iyon: firm, uncompromising, no if's, no but's. “I didn't want to resort to blackmail, but you force my hand.”
Blackmail? Napadilat si Migs. Nagtaas ng kilay. “Mom--”
“One word, hijo: 'Bunny.'”
Migs' eyes widened in abject horror. “Y-you wouldn't--!”
“I'm sure your friends would love to know all about Bunny,” masayang patuloy ng kanyang butihing Mama, probably smiling at that very moment like the cat who ate the canary. “In fact, sa tingin ko ay high time na para malaman ng lahat kung sino ang talented na original designer ng pinaka-mabenta naming produkto. Give credit where credit is due, hm?”
Napalunok ang binata.
She would.
“Pupunta na ako!” bulalas ni Migs, bago pa man lumala ang topak nito at gawin ang ibinanta. “I'll go to your date, mom, OK? Saan ba? Ano'ng oras?”
Sa kabilang linya ng telepono, batid ang pagbubunyi ni Señora Fina. “I knew you'd come around.”
Dress to impress. Wear a red necktie. Iyon ang article ng damit na pagkakakilanlan ng ka-date niya, na magsusuot naman ng pearl necklace. Be at Le Rencontre at around 11:15 a.m., earlier if possible. The lady he was supposed to meet should be arriving by eleven-thirty.
Even though he still thought it was all a waste of time, sinunod ni Migs Linares ang payo ng kanyang Mama at dumating doon sa itinakdang oras, wearing a black Armani with off-white pinstripes, a stucco workshirt, his Rolex, a pair of Italian loafers, and lastly, ang ibinilin nitong pulang neck tie. After all, what choice did he have? It was either go to this stupid blind date, or have his secret exposed to the general public.
Sa pagitan niyon at ang pagharap niya sa kahihiyan, it really was no contest. And it wasn't as if ipagpipilitan ng kanyang Mama na pakasalan niya kung sino man ang babaeng inirereto nito ngayon kung hindi matitipuhan ni Migs ito.
Ginagamit lang naman nitong dahilan ang so-called sumpa ng kalalakihan ng angkan sa panig nito, right? Isang excuse para makialam sa kanyang love life? He was, after all, already 29 years old, thirty in a few more months, and still--blessedly, mercifully--single. Sa buong barkada nila, siya na lamang ang natitirang bachelor. Maging ang best friend at former boss niya na si Jay--Jairus Espiritu, bunsong anak ng may-ari ng Meridian Investments, ang investment firm kung saan ka-pro-promote lamang ni Migs bilang senior financial consultant--humarap na sa dambana at nag-'I do'. Si Jay, ang pinaka-playboy sa hanay nilang mga young upstanding professionals, na nagsabi sa kanyang magpapa-confine muna ito sa mental bago magpakasal.
And look at him now, may pagka-ironic na patuloy ni Migs sa sarili. Dalawang taon nang kasal (si Migs ang kinuhang best man, siyempre) sa isang babaeng tinatawag niyang 'sira' with loving, fond eyes, or, occasionally (at tila secret joke nila ito ng kanyang kabiyak), 'honey-my-love-so-sweet'. Nakaka-dalawang anak na rin ang mag-asawa, na ang panganay, si James Martin, ay si Migs ang ginawang ninong sa binyag. Para kay Natalie, ang pangalawa, siya naman daw ang nakabinbin bilang ninong sa kumpil.
Married life had literally transformed his friend. Mula sa isang notorious two- or even triple-timing investment banker, mas pinili nitong manatili sa Batangas at magtayo ng sariling business kasama si Elaine, ang free-lance graphic artist na nakilala nito doon. And, kung ang parang timang na bungisngis ni Jay ang pagbabasehan, the last time na napadayo siya sa tahanan nito, life couldn't be better.
Well, good for them.
Pero para kay Migs Linares, na nasaksihan ang pagpapakasal at ang consequent tired, bitter looks ng iba pa niyang mga ka-kumpare, he knew all too well that life--married life, that is--could become a lot worse. So far ay tila masuwerte pa si Jay, pero alam niyang sa kalaunan ay maaaring matulad na rin ito sa iba pa nilang ka-inuman na ngayo'y nagsisisi kung bakit pa nagpatali. Mga lalaking animo'y natalo sa pustahan ng buhay.
Which only follows; ang salitang 'wedding', so he'd read somewhere, ay hinango mula sa isa pang salita na 'sugal' ang ibig sabihin.
Hindi na takot siya sa ganoong uri ng commitment o ang kakaibang gamble na dala ng banal na matrimonya. Bilang investment banker, Migs knew all about taking risks--lalo na kung malaki ang pay-off na ma-a-anticipate mo. Ngunit alam din niya na ang sugal ay kinakailangan ng tamang timing, ng tamang strategy. Ng tamang investment. Balang araw, siguro makakakita rin siya ng babaeng kababaliwan, na iisiping worth it para isuko ang kanyang kalayaang tinatamasa bilang binata, pero malabo pa itong mangyari any time soon; the Alcantara family curse be damned.
That is to say, iyon ang nakahandang sagot ni Migs sa tuwinang kinukwestiyon ng kung sino man (his mother, namely) ang estado civil niyang decidedly tigang pa rin magpa-hanggang-ngayon.
Oh, he'd had a couple of 'steady' girlfriends; si Bridget, noong nasa kolehiyo pa siya at na-kabarkada sina Jay at Lawrence. Si Lee-ann, na dating nag-intern sa Meridian, and who later left the company to work in another financial firm in Singapore. Both relationships lasted about a year, tops. Sa kaso ni Lee-ann, tumagal ito technically ng isang taon at kalahati, but the remaining six months ng long-distance phone calls at kumustahan weren't what anyone would call 'romantic'. In both cases as well, parehong sina Bridget at Lee-ann na rin ang nagdesisyon na tapusin ang pagiging magkasintahan nila.
'It's not you, it's me,' was how Bridget had put it, nang kapwa third year na sila at nilahad ng dalaga na may napupusuan na itong iba. 'Or rather, ang nararamdaman ko sa tuwing magkasama tayo. We just don't click, Miguel. There's no 'flame', no 'spark'. Whenever I'm with you, I feel like we're just going through the motions.'
'Going through the motions'. Huh.
Wala na yatang iba pang phrase na mas babagay pang ilarawan ang kawawang excuse for a love life ni Migs Linares. For indeed, sinasadya man ito o hindi, iyon ang kasalanan niya sa bawat babaeng dumaan sa kanyang buhay--or, very infrequently, sa kanyang kama--for the past 15 years.
He just didn't love them enough. Nakikipag-date siya, sure. Nakikipag-holding hands. Niyayakap, hinahagkan if the moment was right. Nakikipag-usap nang masinsinan, with enough wit to charm any girl to pieces. And yes, kung pisikal din namang atraksyon ang pag-uusapan, he decidedly wasn't gay; tanging sa katawang-babae pa rin tumitindig si Miguelito Jr., at medyo nakasisiguro siyang hindi na iyon magbabago. Pero date as many girls as he could, nireto man iyon ng kanyang Mama o ng iba niyang kaibigan or initiated of his own accord, hindi matagpuan ni Migs sa kanila ang 'flame' o 'spark' na minsan nang nabanggit sa kanya ni Bridget. He got bored, dispassionate, anemic. Hanggang sa pati ang kasama niyang babae ay na-bo-bore na rin sa kanilang relasyon at kusang iniiwan siya.
In the end, he decided na hindi matatagpuan sa mundong ibabaw ang kung ano mang apoy o kuryente kuno na tinutukoy ng una niyang girlfriend bilang mahalagang sangkap ng 'True Love'. That whatever it was, it didn't exist.
Except maybe for--
Alu
--someone, na naaalala lang niya tuwing na-se-senti at mailap ang kanyang isip. A certain someone, na matatawag nating unang babaeng nang-basted sa kanya--kung matatawag mong panliligaw ang ginawa noon ni Migs.
Ang taong pinag-alayan niya ni Bunny.
Kumusta na kaya siya? hinuha ng binata, smiling softly.
Lumapit sa kanya ang lalaking attendant ng La Rencontre at kinompirme ang reservation niya roon. Nagpa-escort siya sa table--medyo liblib ang lugar, but it had a good view of a Japanese garden--at naupo.
His date would be arriving soon.
Sighing inwardly, Migs resigned himself to another hour, another day, of going through the motions.
♣ Si Babae… ♣
Guilty.
Ilang saglit matapos ibaba ng korte ang hatol, naghari ang katahimikan sa loob ng gallery na pinagbasahan nito. Kinailangan pang bumilang ng ilang segundo para tuluyang maulinagan iyon ng mga in attendance sa loob. Kailangan pang dumaan ang ilang anghel para mapaniwalaan ng kanilang mga utak ang narinig ng kanilang mga teynga.
Saka pa umalingawngaw ang palakpakan kasabay ng malakas na bulung-bulongan sa loob ng court room.
Guilty.
Ang nahatulan ay si Eliseo Landicho, former mayor ng bayan ng Morada, doon sa isang lalawigang pinasikat ng mga kakanin at piña products, ngunit pinasama ng jueteng at ilegal na kalakalan ng armas. Tatlong beses man siyang naihalal bilang alkalde ng naturang siyudad, sa unang beses lang ito tunay na dinala roon ng mga boto ng mga mamamayan. Ang sumunod na dalawang termino nito ay nakamtan gamit ang tatlong P's: pera, pananakot, at kabi-kabilang padrino. Dekada na ang nagdaan kung babalikan ang unang kaso ng electoral violence na isinampa rito, subalit sa maaliwalas na araw na iyon, ilang oras mula mag-alas-dose ng tanghali, ang tinaguriang 'Mayor Landi' ng national media ay inabutan na rin--sa wakas--ng mabagal na gulong ng hustisya.
Guilty.
Hindi nga lang sa tatlong P's: plunder, perjury, at pandaraya sa eleksyon. Ang mga kasong iyon ay nakabinbin pa rin sa Office of the Ombudsman. No, si Eliseo 'Mayor Landi' Landicho ay napatunayan ng kataas-taasang hukuman ng Pilipinas na may-sala sa isang krimeng mas karumal-dumal pa sa mga nabanggit na sa itaas: ang panggagahasa sa isang dalagita na kasing-edad lamang ng bunso nitong anak.
Mula sa kinauupuan nito sa court room, tahimik lamang na tinanggap ng former mayor ang kanyang sentensya. Isang sentensyang may kalahating siglo ang itatagal, walang piyansa. Walang mabanaag na anumang emosyon sa dating palangiting mukha nito. Sumalamin iyon sa disposisyon ng iba pa nitong kapanalig--ng mga loyalista ng pamilya Landicho, mga kaanak at kumpare, ang legal team na ginawa ang lahat para ma-delay ng kung ilang buwan ang kaso.
Kaiba iyon sa naging reaksyon ng kabilang kampo. Ang biktimang kilala lamang sa bansag ng mga newspeople na 'Ressy', napahagulgol sa tuwa, sa nag-uumapaw na ginhawa. Nakatayo sa tabi ng dalagita, ang ina nito ay pawang napaiyak din. Yinakap ang anak nang buong-higpit. Sa paligid nila, nagbunyi ang mga madre't miyembro ng NGOs na araw-araw na in-escort at sinuportahan ang mag-ina, mula sa safehouses na tinuluyan noon ng mga ito, hanggang sa courthouse na pinagdinggan ng kaso.
“Sa wakas, tapos na,” luhaan ngunit nakangiting anunsyo ni Aling Romina, biyuda, labandera, at matatag na ina ni 'Ressy'. “Salamat po, Lord, salamat.” Buong-ingat nitong hinagod ang likod ng anak, saka bumaling sa naka-business-suit na babaeng maluha-luha ring sinalubong ang mga mata nito. “Hindi namin makakamtan ang hustisya kung hindi dahil sa inyo. Utang namin sa inyo ang lahat-lahat, Ma'am Athena.”
“Salamat po,” nangangatal ang boses na sang-ayon ni 'Ressy'.
Ang tinawag nilang Athena ay umiling. “Ginawa ko lang po ang trabaho ko bilang ahente ng katarungan,” sambit niya. “Kung may dapat kayong pasalamatan, iyon ay ang Poong Maykapal, at ang sarili rin n'yo, sa ipinamalas ninyong tapang at katatagan.” Ngumiti siya, at tila nagliwanag ang mukhang madalas ay seryoso at palaisip, nangagkislap ang mga matang madalas ay mala-yelo sa lamig kung tumitig. “Malaya na kayo, ma'am. Malaya na kayong magsimulang muli. Kung para lamang doon, ikinagagalak kong nasamahan ko kayo hanggang sa huli.”
Kinamayan niya ang mag-ina, tiniis ang mga pasasalamat at panayam ng mga alagad ng civil society at ng media. For weeks, laman ng mga programa sa telebisyon, radyo at pahayagan ang makasaysayang pagkakakulong ng dating mayor ng Morada. Ang makasaysayang pagkakalupig ng isang taong pinagharian ang siyudad nang halos dalawampung taon, sa kamay ng isang abogadang 'small but terrible', isa ngang tunay na 'Athena' ng mga kababaihan, ng mga mahihirap at api.
Itutuloy…
Want to read more? The rest of ‘My Lady Athena’ will be published under My Special Valentine Books, Bookware Publishing Corp. early in 2010.