Dahil Masaya Ako Ngayong Araw.

Dec 17, 2008 23:52

My Happy List:

1) Nakatulog ako for three hours! Akala ko hindi na ako makakatulog dahil sa bestfriends kong Chem at Theo.

2) Nagising ako early enough para mag-aral (mag-cram) ng Theo.

3) Okay lang ang Theo LT kahit hindi ko siya masyado na-aral. Favorite ko ang essay part. Feel na feel ko yung tanong.

4) Nakabalik ako ng dorm after Theo to answer Chem problem sets. Hee. Yup, kasali 'to sa Happy List ko!

5) Nag-UBE (ultimate bonding experience!) na naman kami ni Cassie after Chem. Sinamahan niya akong kumain ng lunch, uminom ng kape, bumili ng yema at blue book. Tapos sinamahan ko siya sa East Car Park at hinatid na niya ako sa dorm. Feeling may-ari ako ng kotse.Tawa lang kami nang tawa all the way!

6) Hanggang 4:30 pm, natapos kong aralin (i-cram) ang Chem.

7) Hindi ko natapos ang Chem LT. Pero when I think about it, hindi ako nalulungkot. Alam kong kailangan ko lang mas magtiyaga para hindi ako mag-"learned helplessness" towards Chem. Konting effort pa, diba? :)

8) Nagdinner kami ni Kaye at, as usual, lagi lang kaming tumatawa. Para kaming crazehh peepz pero cool kami dahil dun. ;)

9) Nagkita kami ni Crystal at Ruzzie sa UD lobby. Sinabihan ako ni Crystal na miss na niya raw ako (sa dami ng long tests, halos hindi na ako lumalabas ng kwarto), binigyan ako ni Ruz ng hug nang malaman niyang kagagaling ko lang sa Chem LT. Mahal ko ang barkada ko. :)

10) Nakatulog ako before mag-simbang gabi at mga 10, 000 times akong kinulit ni Cate bago ako magising at bumangon. Tawa ulit kami ng tawa all the way. Woohoo. (Ang galing galing mo talaga, Cate!)

11) Ang ganda ng homily ni Fr. Lambino. As in na-move ako dude. Sabi niya na nawa'y gampanan natin sa buhay natin ang role na ginampanan ni Joseph - catalyst siya sa mga plano ng Panginoon. Nawa'y itaguyod daw natin ang mga plano ng Diyos habang tayo'y nabubuhay. Pagsilbihan at mahalin daw natin ang ating kapwa. :)

12) Tawa na naman kami nang tawa ni Cate pabalik ng dorm. Nakatawa ako nung favorite kong tawa - yung tawang napapa-bend forward ako with the matching hulog ng buhok. Ay, hindi ko ma-explain e, wag na lang. hahaha

13) Masaya ako dahil... Ewan ko ba... Masaya lang talagang mabuhay. :)
































































































Ano pa nga ba ang hihilingin ko?
Previous post Next post
Up