[Fanfic] Hangga't May Liwanag Pa

Nov 18, 2010 23:38

Title: Hangga't May Liwanag Pa
Author: couryielle  
Characters: Philippines, America; mentions of Spain, China, Japan
Summary: "I shall return," America promised, and Philippines never let go of that thought throughout the war. Human names used.
Warning/s: It's in Filipino, because I'm practicing writing in Tagalog. Also, it gets lamer and lamer paragraph after paragraph because I got sleepier and sleepier as I was writing fffff
Words: 387

-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-

“May liwanag pa...” tahimik na sambit ni Maria sa sarili, habang ang kanyang luhaan at walang buhay na mga mata ay nakatingala sa maliit na siwang na nagdudulot ng kaunting sinag ng araw sa kanyang munting preso.

Lahat na yata ay nabaliw sa lintik na digmaang ito. Iniwan na siya ni Kuya Antonio. Halos mamatay na sa abuso si Kuya Yao. At si Kuya Kiku... Diyos na mahabagin! Ano’ng nangyari sa kanya?! Kitang-kita ni Maria ang kahibangan sa kapangyarihan at pagkaganid sa mga mata ng dating malumanay na Hapon, sa tuwing papasok ito sa kinakukulungan niyang kwarto upang lapastanganin siya...

“Hindi!! May pag-asa pa!” mariing na sigaw ni Maria sa kanyang isip. Hindi na niya mapigilan ang pag-agos mula sa kanyang mga mata ng mga luha ng pait, hirap, at kalungkutan na matagal na niyang kinikimkim.

“Ililigtas ako ni Kuya Alfred! Nangako siya!” hinayaan ni Maria ang sarili na bumulong sa kanyang paos na boses. “Hangga’t may liwanag, may umaga pa... hangga’t may umaga, may pag-asa pa... na babalikan ako ni Kuya Alfred... ililigtas ako ni Kuya Alfred... Kuya Alfred... Kuya Alfred...” buong paniniwalang pag-ulit ni Maria sa sarili. Iyon lang naman ang oyayi niya eh, ang pangalan ng kanyang tagapagligtas...

BAG! BAG! BAG!

Naalimpungatan si Maria nang may bumalagbag sa pintuan ng silid-kulungan niya. Mamula-mula ang ilaw mula sa siwang - magtatakip-silim na. O di kaya’y may sunog sa labas.

BAG! BAG! BAG!

Kinilabutan si Maria. Si Kuya Kiku na naman kaya ito?

BAG! BAG! BAG!

“Maria!” sigaw ng isang pamilyar na boses na matagal nang ninanais marinig ng kaawa-awang Pilipina.

“K-Kuya Alfred?” garalgal ni Maria sa kanyang boses na matagal nang hindi nagagamit.

“Maria! Andiyan ka ba?! Hoy, gibain niyo na nga yung pinto!” sigaw ni Alfred mula sa kabilang panig ng pader. May malakas na pagyanig, at biglang napuno ng liwanag ang madilim na silid. Napakiling si Maria, dahil nasanay na ang mata niya sa kakarampot na ilaw mula sa siwang, ngunit pinilit niyan humarap sa nakasisilaw na liwanag, dahil doon nakatayo...

“Kuya Alfred!!” sigaw niya, sabay takbo hanggang sa abot ng kanyang makakaya, at ng tanikalang nakagapos sa kanyang mga paa. Tumumba siya sa mga nakaabang na bisig ng Amerikano, kung saan wala na siyang ibang nagawa kundi lumuha... luha ng kaligayahan, luha ng pasasalamat, luha sa pagkatupad ng isang malagim na pangako...

-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-

English translations here.

c: philippines, w: fanfiction, c: spain, c: america, c: japan, f: axis powers hetalia, c: china

Previous post Next post
Up