(no subject)

May 04, 2008 11:42

Pinatay nya ang mga anak ko. Sinugod ko sila pero may dala siyang pana at tinamaan nya ako sa pigi. Mabuti't malayo na ako bago ko naramdaman ang kirot.
Ilang araw din akong di makalakad.
Akala ko mamamatay na rin ako.
Mabuti't napatigil ako sa ilog at doon ay hindi ako naubusan ng maiinom.

Nang gumaling na ang sugat ko, dun ko lang pinagluksa ang dalawa kong anak.
Dinampo't,
tinali,
at ikinargang papalayo saakin.
Dinala niya ito sa bayan para ipag bili siguro, o ulamin na lamang...

Ilang araw ako lumuha, DI AKO MAPAKALI!
Gusto kong isubsob ang pangil ko sa puno!!!!

-ang baboy ramo, BWAHAHAHA
Previous post Next post
Up