Ang ganda ng gising ko today.. bukod sa masarap ang hinandang almusal saken ng nanay ko na fried rice, sunny side up egg, bacon, hotdogs and mango juice eh masarap din ang tulog ko last night kaya fresh na fresh ako pag gising ko.. feeling ko magiging maganda ang araw ko kahit haggard ang working scheds ko..
Matagal tagal ko na din hindi nasisilayan ang araw sa umaga dahil kadalasan ay tanghali na ako gumising mula sa magdamagang tapings and editing... Maganda pala talaga sya.. Bukod sa makikita mo ang natural na kulay ng kapaligiran ay parang mistula itong bitamina na nagpapa init sa iyong katawan para mabigyan ka ng sapat na enerhiya na iyong magagamit sa buong araw.. Pero di ko keri ang air pollution nung naghintay na ako ng cab sa labas ng bahay. Haggard.
Meron akong ocular ngayun sa Lipa, Batangas kung saan ay may live feed kami sa aming lingguhang programa na Showbiz Central... Ito ang dahilan ng maaga kong paggising ngayon! 9am ang call time.. pagdating ko ng GMA7 ay na move daw ng 10am. Heto ako ngayon sa office gumagawa ng blog para may pampalipas oras hahaha! Pagkatapos ng ocular namin mamya ay dederecho naman ako sa broadway para sa taping naman namin ng isa ko pa ring pang lingguhang programa na All-Star K! The One Million Peso Videoke Challenge. Pero madali lang naman ang trabaho ko dyan.. makipagchikahan lang kay Allan K at Jaya hahaha!
Lumabas na pala sa Pep.ph ang mga pics ng SWEET DREAMS bday show ni Sweet na produce namin sa zirkoh timog noong nakaraang linggo. Salamat sa mga pumunta. Kilala nyo na kung sino kayo.. I love you! Muah!
ito mga kinuha kong guests kasi mga friends ko na walang bayad mwehehe
Jonalyn Viray, Mark Herras and Cristine Reyes.
Ito naman si Janno na pinakaba ako last minute kasi nag txt na di raw sya makakarating dahil mataas ang lagnat kaloka! Buti dumating ang lolo nyo..hahaha! wala ding bayad yan...Yan ang Deal or not a deal na segment.. ang saya nyan promise.. mga laman ng briefcases mga na link sa kanya.. katawa pa mga offers ni banker hahaha!
At ito naman ang bday girll nag Tangga! hahaha!
Magkaka-repeat kami.. Punta ulit kayo ha! hahaha!