Christmas decorations..christmas lights.. christmas carols... at kung anu anu pang christmas chenelyn... Ibig lang sabihin na malapit na nga ang christmas day.. pero ang weird kasi di ko maramdaman na malapit na sya..
Nung bata ako, na kung saan ay mga ilang taon lang naman ang nakalipas, ay lagi kami nagkakaroon ng Xmas Party sa loob ng aming compound.. May ibat ibang palaro tulad Newspaper dance, Calamansi Relay, at syempre ang walang kamatayang Stop Dance at Trip to Jerusalem.. Pero ngayon ay halos sabay sabay na kami nagsilakihan ng mga bata sa compound namin kaya unti unti na din nawalan ng mga mga bata na kasali sa mga palaro na ginagawa ng mga nakakatanda.. Nandyan din na lumipat na ang iba sa ibang bahay, yung iba nag asawa na at ang iba ay kinuha na ni Lord...So ang ending, nawalan na ng Xmas Party sa compound namin.
Hindi ko na ma feel ang excitement tulad nung bata pa ako kapag malapit na ang christmas day.. Di ko naman na keri pumunta sa bahay ng ninong at ninang ko kasi baka maloka sila pag nakita nila na ang inaanak nila noon ay isang ganap na shemale na ngayon (wahahaha sabee?!).
In short, panu ko mafi-feel ang christmas ngayun? Lalo na't sinabi samen na may taping kami sa pasko at new year kaya parang regular day na lang na dadaan ang pasko.. Hayy kung makakausap ko lang si Santa Claus, tatanungin ko sya kung pede ba ma-move ang pasko pag summer? Kasi di ba pag summer laging may outing ang pamilya? Parang mas Pasko pa ang Summer.. Leche kung anik anik na nasasabi ko..oh well...
Wala pa bang masyadong xmas designs sa paligid kaya di ko maramdaman na parating na ang pasko or lubhang naging manhid na lang ako?
Isa ngang beer!