Apr 25, 2004 21:23
babalik na naman ako sa UP bukas. sa totoo lang, ayoko nang pumasok. ayoko na - tinatamad na ako. sawa na ako sa uber boring na nat sci at sa mga epal kong classmates sa panpil. gusto ko na lang mag paka geek sa libe buong araw.
nga pala, FOPC na bukas. wala pa kaming sked ng mga tatambay. ayoko ring tumambay sa vinzon's dahil matutunaw ako sa init. ewan ko ba kung bakit ginust kong mag officer - tamad naman ako. ngayon pa lang gusto ko nang magback out. nakakapagod kasi. rewarding pero frustrating rin. parang ganon.
wala na sina george at anna at lek bukas. grumadweyt na sila nong sabado. hindi na sila bukids - bukboks na. lilipas pa ang ilang taon, baka magaya na sila sa mga sheteng bukboks na makikialam lang kapag gustong magpakasikat. iba na raw kasi ang buhay sa labas ng buklod, sa labas ng UP.
ayoko pang umalis si lek. ayoko pa talaga. :(