acknowledgements

Sep 05, 2007 14:07

ras-le-bol. je suis fatiguée.

my mind is still working though even if it's somewhere in the north pole, melting with the icebergs. de toute façon, instead of ranting about stressful things, i would rather be thankful.

opo. salamat sa pagbibigay ng suporta at lakas sa isang estudyanteng gumagawa ng thesis. sabi ko nga, thesis ko lang 'to pero pelikula natin ito, mga chong. salamat sa mga nagsabing tutulong ngunit hindi na namin natawagan dahil sa kawalan ng credits o kaya kaantukan. paumanhin at salamat.

salamat sa prod team (kuya, kin, jeff, gold, ghie, daco) na nakuntento sa beer at kung anu-anong pagkain. salamat sa mga aktor ng teatro (icee, jeff, pat, eric from hongkong, joan, nex, william, mommy jette, julie, jason, random chinese people) na ginawang subtle ang kanilang acting para hindi sumabog ang frame. salamat sa buong peta sa pagsuporta. salamat kay ermats, tatay, tita joyce, tamy at sa iba ko pang mga kapamilyang umarte, nag-finance at umariba. salamat labsky. alam mo na 'yun.

salamat sa mga na-interbyu ko (buong mttl, sir conrad, ms lan, another survivor, karapatan office). dahil sa inyo naiba bigla ang format ng thesis ko. mula sa pagiging isang seryosong documentary, naging kumaging short film ito tungkol sa mga kabataang nawawalan at naghahanap ng closure sa buhay.

salamat sa pamilyang simpsons, lalo na kay homer, sa pagtulong sa aking kumagin ang issue para mas maintindihan. salamat din sa mga tinext ko para magtanong ng kung anu-anong mga bagay.

salamat sa brgy kalusugan, up hardin ng rosas, peta theater center, bahay at kickass hard drive ni sandino, foodcourt (na hindi ko puwedeng sabihin kung saan dahil medyo naging guerilla ito) at sa bakanteng lote na pagmamay-ari ng qc sports club.

at higit sa lahat, salamat sa erpats ko dahil nawala ka at pinahirapan at pinatay.
dahil diyan, nagpupursige ako ngayong labanan ag lahat ng uri ng paglabag sa karapatang pantao gamit ang sining. pasensya na kung lumabas na binastardize namin ang issue. hindi po 'yun ang intention. talagang ang target audience po ng pelikula ay ang mga kabataang ayaw sa mga seryosong bagay.

sa tunay na buhay, hindi pa naman talaga tapos ang postprod. may editing pa at mixing, etc. na magaganap. kailangan ko pa rin isulat ang 2nd part. nais ko lang magpasalamat dahil sobrang na-o-overwhelm ako sa mga nangyayari.
kahit na pagod na pagod na ako at nagwawala na ang ulo ko sa sakit, hindi ito ang panahon upang magluksa. unfair magluksa at mag-entertain ng negative energies.

sa akin ngayon, kahit grabe ang pressure, ok na ako. alam ko namang academic writing ang thesis at alam kong kailanman, hindi ko maiuuwi ang sarili sa larangan ng ganitong uri ng pagsusulat. hindi ko rin nakikita ang pelikula bilang isang cannes-worthy film. pero naniniwala akong ang mga taong nakatrabaho ko ay mga talentadong kabataan na kayang magtaya ng oras para sa sining at sa bayan. 'yun ang hindi masusukat ng panelists kapag humarap na ako sa defense.

at ito ring mga taong ito ang ihaharap ko sa naunang henerasyon na umaasa sa atin.

*sabi ni sir conrad de quiros, "if there's something more terrifying than those killings, it is the silence of the nation in face of it"

ngayon, isandaan at mahigit na estudyante na ang nawawala sa pagpasok ng taon, hindi pa kabilang sa numero ang mga journalist, political leaders, activists at ang mga taong napagbintangan lamang.
Previous post Next post
Up