"Sandali lang to."

Sep 14, 2006 00:11

Sandali lang to. Mabilis lang. Past 12 na kasi eh, kailangan ko pang gumising ng maaga bukas.

Sa totoo lang, dapat kaninang-kanina pa ako tulog. Siguro mga ano, mga 10 something. :) Pero, out of nowhere.. parang biglang ang saya sobra nung chat namin kanina ni Pola. Haha! In fairness, ngayon ko nalang cia ulit nakachat. Hehe, matagal na rin ung last time. Di ko na nga matandaan kelan eh. Pero ayon, kanina sobrang tawa kami ng tawa. Hmm, ako pala. Tumatawa ako dito eh. Hehe, pero ciempre pinipigilan ko baka may sound na lumabas eh. Grabe, puro emoticon lang na tawa chaka ung may rolling on the floor. Whooo! Sana ganun parati ang buhay.

Sana parating masaya. Sana lahat nalang, masaya no? :) Bakit ba kasi minsan, kahit ang friendship.. complicated? Diba love lang ang complicated? Ba't pati friendship nakikisali? Ano na naman ba ito?

But then again, ewan ko. Sus, maciado na akong maraming iniisip para dagdagan pa ang lahat ng ito. Kanina nga, sobrang nasusuka na ako eh. Nausea ata. Not sure, pero di naman sumasakit tiyan ko sa it's probably not. IT'S ALL IN MY MIND.

Pero, masakit talaga ulo ko. Bus kasi namin tuwing uwian eh, nakakairita. Nakakahilo dun no. Sobra. Tas dun pa ako parati sa nakatalikod sa harap, eh ciempre, nakakahilo un. Ang ayos kasi nung arrangement nung mga upuan eh. Thanks to manong.

Ciempre pagdating dito, sobrang humiga ako agad. Nakauniform pa nga ako nun eh. Pero siguro after 10 minutes, naisip ko na hindi rin naman ako makakatulog ng nakauniform kasi ang init init, kaya nagbihis narin ako. Hay.

Si Bianca pala wala dito, nagpunta sa bahay ng kaklase nia eh. Sosyal, pagdating dito, maga mga mata. Bakit na naman kaya?

Buti nalang, andito si Ate Lyn. At least may konting care akong naramdaman. Hehe, di nga siya umuwi agad kasi ano eh, wala akong kasama. Haha! Feeling ko mejo nairita cia kasi may party ata ciang pupuntahan eh. Okay lang un. Manuod nalang cia ng TV, ako matutulog.

Nakatulog ako siguro 1 oras lang. Or 1 and a half? Ewan ko, malabo eh. Di ko na maciadong binilang. Basta paggising ko, kakarating lang nila mommy. Ang ingay kasi nung sasakyan eh. Bwiset. Nagising tuloy ako. Eh ung kwarto pa naman namin ng kapatid ko malapit sa garahe, so rinig talaga. Kahit mantika ako matulog, narinig ko. WOW.

Kaya after non, gumawa nalang ako ng homeworks. Nagtranslate ako konti nung sa AP namin kasi kahapon may nasimulan na naman ako. After nun, nag-online ako. Aba, online si Bonggai. Ciempre, ako na naman nauna magmsg. Haha, okay lang. :) Wala, sa totoo lang, ginulo ko lang cia eh. Lagi kasi akong naddc. Ewan ko ba dito, leche. Laging naddc. Ano bang topak nito? Kasing topak ng mundo? LOKO.

From time to time, naddc ko. Weird. Naiinis na ako. Kaya, nagdc nalang talaga ako. Copy paste dito, copy paste dyan. Naman kasi ung Chem eh, may mga hw pala. Akala ko naman kasi, sa notebook lang. Un pala, sa bond paper na. Buti nalang online pa si Mica at nakapagpaprint pa ako sa kanya. 11 pages nga un eh. Sabi ko sa kanya, babayaran ko nalang cia bukas. Oo naman cia. 55 pesos, goodbye.

In fairness, lumabas pa ako kanina para lang pumunta dun sa internet shop sa may kanto, katabi ng bahay nila Ninong Noel. Ha, hindi ko alam may ganun na dito. Ang ignorante ko. Akala ko kailangan ko pang pumunta 2 blocks away para lang makapagpaprint. Hindi rin pala. Ciempre pagdating dun, bukas pa sila. Kaso, kakasira lang daw nung printer kahapon. Leche, bumili kasi ng refill, hindi nalang ung original. Ayan tuloy. Kung nakainstall lang ung printer dito eh. Kaso, hindi.

Grabe, nagulat ako binabasa pala ni Fabon blog ko. Binabasa, o.. minsan lang? Haha, ewan eh. Di ko rin alam. Di ko na tinatanong. Pero kanina, chineck ko blog nia. Tas naka naman, special mention pa ako. Hehe, ang familiar nung words ah. Sobra. :) Hehe, comment ka nga minsan dito para alam ko namang binabasa mo pala. I miss you, Kristina Fabon. :> You always make me happy. Kahit mere hug lang. I love you. :)

Kanina, club. Wow, ang hassle. Ewan ko. Tuwang-tuwa nga sila Mica eh. Surprising. Ako, okay lang. Parang, ang gulo kasi eh. Basta hassle. Haha Bianca! Tama ka nga. Diba sabi mo isusulat kong ang hassle nung club kanina? Yes, tama ka nga. Ngayon, uulitin ko cia. ANG HASSLE NUNG CLUB KANINA. Hindi ganun kadaling magdrawing, magbura ng magbura, at magdrawing ulit. Nagagalaw pa minsan ung tripod. Mali ung pagkadrawing, uulitin na naman. Hindi pantay, uulitin na naman. Papuntang Baguio sulat mo, uulitin na naman. Ewan ko, hassle eh. Ganon ba talaga ang film-making?

Kami nga nahuling group eh. Pero, huli din naman kasi kaming nagsimula. Chaka, di kami makadecide ano ba talaga ang pangalan ng productions namin. MIK-A-ELA? Wag, ba't si Mica lang? CZATON? Ang obvious naman nun! PARALLEL? Ano ba yan wala naman tayong originality! SURVIVOR? Weh, nafeel mo na naman! E TREEHOUSE NALANG KAYA? Ayown!

Ayown. Dun kami umabot. TREEHOUSE. Ewan ko, may naaalala ako dun eh. Nung first time kong nagpunta dun, kabadong kabado pa ako. Ang ewan kasi nung ginawa namin eh. Pero okay lang, masaya ako nung araw na un. Nakainom sa wakas ng red wine kasama ng friends. Nakakain ng maliliit na cake worth P50 each at naging masaya. Kumain, nagkwentuhan, tumawa, nagpapicture sa mga crew. Kinabahan, inakalang may nagvvideo samin, natakot baka parents ng isang student from SHS, nagtago, pinabura ung picture, umalis sa Treehouse, sumakay ng trike, nagpunta kila Nicola. Tumakbo from overpass hanggang sa may Royale Place. Nilakad hanggang sa bahay ni Nicola. Tumawa ng tumawa. Masayang-masayang masaya sila kasama ko. Hay, I miss Biyaya. I miss you, Bonggai and GK. Salamat sa napakagandang birthday na nangyari nung araw na yon. Nasabi ko na to, sasabihin ko nalang ulit. Salamat pinasaya niyo ko nung araw na un. Biglaan, pero masaya. :>

PRODUCTIONS. Hay, ako kumuha ng colored chalk sa Kamalayan. Madami din un. Bawat color. Ewan ko nga kung naibalik kanina eh. Baka naiwan na sa Sandiwa. Malay natin.

Absent si Cza, wala kaming artist. Lagi nalang. Ewan ko. Minsan naman, hindi na sumasabay un eh. Ano, Czarina? :) Hehe. Nabasa ko blog nia, at may fever cia. Papasok na naman daw cia bukas eh. Mabuti naman. Makasama ko naman kaya cia? Ewan ko. May business na naman ako sa uwian eh.

Grabe. Nung Friday, si Bianca absent. Nung Monday, si Bianca at Razelle. Kanina, si Cza. Bukas kaya, sino na? Naisip ko kasing mag-absent eh. Nagpaalam na nga ako kay mommy na mag-aabsent ako bukas. Bakit naman anak? Stressed na po kasi ako eh. Alam mo kung bakit ka stressed? Basa ka ng basa ng libro. Tignan mo na naman yang katabi mo. Hindi po, ito nga po stress reliever ko eh. Stress reliever, kaya sumasakit mata mo eh. Nagawa mo na ba homeworks mo? Hindi pa nga po eh. Natulog lang po kasi ako kanina, kakagising ko lang pagdating nio. Aba, gumawa ka na. Masakit pa ba ulo mo? Hindi na po. Nasan si Bianca? Hindi pa nasusundo. Susunduin mamaya ng Ninong mo. Ah, may practice ata. Oo, un nga. Hindi po ako makakaattend ng practice sa Saturday kasi may practice kami sa school. Ecosong. Ahh, un din ung kay Bianca. Hindi ba puedeng imove nalang yan sa Friday? EH HINDI NAMAN PO PUEDENG MAAPEKTUHAN LAHAT DAHIL LANG SA ISANG TAO EH.

Ewan ko, mood swing? Ambilis uminit nung ulo ko eh. Sabi ni Papa, dapat daw "nakaschedule na kasi yun" ang sagot. Eh, hindi ko na naisip eh. Nakasagot tuloy ako. Sorry, Mommy.

Kanina, nakausap ko na naman si Bonggai. Woohoo, ang sarap nung feeling. Masaya ako pag nakakausap ko siya eh. Masaya rin ako pag nakakasama ko cia. Ewan ko lang kung masaya cia. Haha! Hmm, typical na usapan. May sasabihin daw cia eh. Guess what, nasabi ba niya? Ciempre, hindi. Galing galing naman ni Bonggai. Idol. :)

Nakasama ko rin ciang magbalik ng book sa library kanina. Ha, ako pa nagyaya. Eh, ayoko na kasing maoverdue eh. Lagi nalang. Dami dami nang utang, dadagdag pa. Leche. 2 pesos nga lang un eh. Si Bonggai na nagbayad. Mabuti naman. Haha. Wala kasi akong barya eh. Yung libro nga nia, 38 pesos eh. Wow. Paglabas namin ng library, 40 pesos agad ang nawala sa kanya. Katamaran nga naman.

Natapos ko na ung librong pinahiram niya sakin. Ang galing. Mejo hindi ko un naisip kaso, nainis ako kasi, naspoil ako ni Bonggai. Ang obvious kaya nung sinabi niya. AKALA KO BA WALA KANG PAKIALAM? Ha, ha.

Ngayon, The Rescue na binabasa ko. Leche, ang adik ko naman. Puede bang minsan, iba naman ang atupagin ko? Haha. Ano nga bang naidudulot ng mga lecheng libro na ito sa buhay ko? Kanina nga, nung English, sabi ni Karla, BOOK DAY daw iddeclare nia sa formal theme nia. LOKO.

Sana Christmas na. Hay, anlamig na eh. Mejo. Pag walang araw. Pero kasi, BER na. Ganun talaga. Hehe. Ambilis nga ng oras eh. WOW. Ewan ko, nako. Ang gulo gulo. Lahat naman eh, lagi naman. Maski sa classroom ngayon. Backstab-an na naman ba ito? Wag na please. Dumaan na ako dyan. Lahat nalang tayo magsaya, puede?

Nung isang araw pala, nakausap ko si Bianca sa phone ng matagal. Alvaro ha. Grabe, siya ung tumawag eh. Nagtanong lang ng number ni Mariella, kung san san na kami napunta. Ang astig nga nung flow nung conversation namin eh. Halatang wow, okay kami. Chaka ano, walang awkward moment. Cool, kumbaga. Matagal, ansakit sa tenga.

Sinundan pa ni Pola. Aba naman. Puede, puede. Haha! Kwentuhan dito, dyan. Frustrations dito, dyan. Grabe. Ganun talaga. Pero okay lang, masaya rin naman ako pag kausap un eh. Hehe. Looo Pola. :)

Maya maya, Bonito naman. Ano bang balak ko? Haha. Wala, mejo silent lang eh. Kinakantahan nia ako kahit alam kong hindi addressed sa akin. Haha. Tumatawa cia, ewan bakit. Siguro dahil sa pinapanuod nia. From time to time, naririnig ko ate nia na nagmumura. Natatawa nalang ako. Ang lutong kasi eh. Haha. Chaka, nakakagulat nung nagpunta ako kila Bonggai, hindi ko cia narinig magmura. Natatawa nalang talaga ako. Maya maya, sabi ko manuod nalang siya ng Crazy For You kasi un narin naman gusto kong gawin. Un nga ginawa namin. Good night.

Inaayos ko na buhay ko. Less internet, and as much as possible: LESS PHONE. Wow, unexpected naman kasi ung iba eh. Parang si Fajards, lagi nalang tumatawag. Haha. Hindi ko cia nakausap ngayon, nakainternet ako at kausap ko si Pola nung tumawag cia eh. May sasabihin daw. What's up, admirer? Hindi mo na nasabi sasabihin mo. Bukas ka na. Haha.

Masaya kanina nung AP. I love AP. Kahit 87 lang ako. Haha. Ang patok ni Miss Canivel. Enough na para makaya ko ang isang oras na pagkairita kasi may nakikita ako. Diba Bianca? LECHE. MILK. MILK. I hate you. I bet you hate me too. COLD MILK. Haha. Si Cleopatra, award na. Aww Zyera?! Patok no? Cute. :)

Wala si Mima eh, mabuti naman. Mabubuhayan ako for a couple of days. Thanks to Baguio. Enjoy the trip Mima! Ako muna tatabi kay Zyera. Dadaldalan kami. Haha.

Bukas, class pic. At club pic. Hay. Wala na, sira na ang plano kong mag-absent. Tatanga-tanga naman kasi eh. Hindi ko nga naisip na may picture taking nga pala. Pota. Kung puede lang kasing wala na dun eh. Pero sayang naman, memories din un no. Ha. :)

Kanta, kanta, kanta. PFFT. Nakapagtataka. Di ka ba napapagod? O di kaya'y nagsasawa? Sa ating pagtatampuhan, walang hanggang katapusan.

To think that I do not have her. To feel that I have lost her.

At nasaan ka araw?

Wala na daw. Lumubog na eh. Cute nung APO Hiking Society Tribute. Sila na daw muna. Eh di, sila. After nun Sponge Cola. Haha, salamat sa cds Bianca. Nakalimutan kong ibalik kanina eh. Dala ko na nga eh. Pinakinggan ko nalang ulit ung Nakapagtataka. Galing. Bravo.

Sige, lumubog na, lumubog na tayong lahat. Mag-iisang oras ko nang tinatype to. Mamaya, bigla pa akong madc, hindi ko pa ito maipost. SASABOG TALAGA AKO PAG GANUN.

Bukas, hindi na naman ako magiging ng maaga. Bukas, maagang maaga palang, sisigawan na naman ako. Bukas, huli na naman akong papasok sa bus. Bukas, makikita ko na naman ang inip na inip na mukha ng Manong namin. Bukas, magbabasa ako ng The Rescue sa bus. Bukas, hihiramin ko notebook ni Fabon sa AP kasi hanggang ngayon, di pa ako nag-aaral para sa long test. Mag-absent nalang kaya ako? BUKAS.

Bukas, malalaman ko na. Bukas, sasabihin mo na. Bukas, masaya ulit tayo. Bukas, masstress pa rin ako. Niqnax, pahingi na nga lang ng Eye-Mo. Sarap sa matas eh. Malinis. Woohoo!

Poknat. Ang sakit na ng likod ko. Tama na. Hay. Hindi ako down ngayon. Iba lang aura dito. Haha! Ilang beses na akong binalikan nila Mommy, matulog na raw ako. Sabi ko opo Mommy, tinatapos ko lang po ung ipapaprint ko. Leche, ang sinungaling ko. Kanina pa nga tulog si Mica eh. Nasan ako? Eto, nagttype parin. Mommy, sorry. Papa, sorry. Hay.

Good night na nga. TC daw. Sige, ingat na rin. Sa susunod na ulit. Dapat kasi sa media log ko lang ako magpopost eh. Napunta dito. Fabon kasi eh. I miss you. :)

Ano una kong sinulat? "Sandali lang to." Sandali lang pala to? Wow. Sandali lang to.
Previous post Next post
Up