Jul 23, 2009 22:13
Una sa lahat, dalawang bagay muna.
Yung una, nagpasya kong laruin yung iPod game na nasa Livejournal ko ngayon lang. Ang nakakatawa dun, nung lumitaw yung tanong na, "What song will they play at your funeral?", ang lumabas ay yung kanta ni Usher. Guess what.
Isa, dalawa, tatlo.
Baka may naisip na kayo. At, oo, sa mga nakatama, congrats sa inyo. "Yeah!" "Yeah!" Oo, yun yung kanta. At ang nakakatawa pa (o masaklap), pangalawang beses na yun lumabas. Tatawanan lang ba ako kapag nawala na ako? 'wag. Di pa oras para pag-isipan yan. Laro lang naman yun eh. O baka pagpapahiwatig na yun?
Alis na tayo dun sa topic na yun. Puno na ang mundo ng mga emo, di na ako dadagdag, kamusta naman. Ang pangalawa, bakit ako nagsusulat ng Tagalog eh Ingles yung title ko? Pagbigyan nyo na ako. 'eto yung tinatawag nilang spur-of-the-moment events eh. Kesa naman ipagpilitan ko pang English-in yung sasabihin ko.
Tama na ang intellectual masturbation, ika nga ng boss ko ngayon. Alam nyo ba yung feeling na sobrang puno na ng jeep tapos ipagsisiksikan ka pa ng barker, sasabihin nila, "Isa pa! Isa pa!" Tapos ni di na masalo ng uupuan mo yung pwet mo. Nakakairita, di ba? Kung sasabihin ko sa Ingles 'to, 'eto yun: the bench can't even catch the tip of my ass. Gustung-gusto mo na sabihin kay Kuya barker na "subukan mo ngang umupo dito at ng malaman mo kung ano ang pakiramdam ng huling pasaherong sumasakay sa mga jeep nyo." Eh kasi naman nakakainis talaga eh. Wala man lang consideration. Oo, alam naman naming mga "minamahal" nyong pasahero na kailangan nyo talaga yung kikitain nyo. Kaso lang, minsan manhid na kung manhid eh. Di ba extended rin sa inyo yung "customer's always right" na rule? Or baka akala ko lang yun.
Basta. Nakakainis.