A Not-So-Good Day

Aug 30, 2005 17:19

Whoa. This is the right time to update. I have lotsa lotsa things to say and I have lotsa lotsa time for me to type it heeerrreee...

First things first. Na bad trip ako kaninang umaga. I told our ate to wake up at 4:30 am para gigising ako ng 4:45 am at aalis ako ng 6:45 am. So nag-alarm ako ng 4:45 am. Nagising ako. BUT, nakatulog ulit ako at nakalimutan ko na aalis pala ako ng 6:45 am! Shit talaga. Pero ang weird kasi ang exam ko eh 10:00 am pa, pero nagmamadali ako. Nakakainis. Nagtext kasi si Jam sa akin kagabi, and I told her mga 7:00 am nasa school na ko. But no. Dumating ako 8:00 na! Bwisit talaga. Grrr. Di pa ko nagbreakfast nyan. Ngarr.

Second. Aalis parents ko. I will miss them, 6 days din yun ah... :)

Third. Excited na ko sa field trip. Magg grocery kami nila Karla sa SM San Lazaro sa friday. Hurrah! :D

Fourth. Birthday na ni crush number 2 sa sunday, and I'm invited. Nahaks.
Birthday na rin ni crush number 3 next week. Yihee. (Anong magandang gift? haha)

Fifth. Ngayon ko lang narealize, di pa pala ako magaling mag commute, hahaha. Shit, napahiya ako kanina. One of the most embarrasing moments. Galing kami sa SM San Lazaro dahil dun kami naglunch. And I was the first to go home kasi nga aalis na parents ko, at gusto ko silang maabutan sa house. So I left. At parang ang confident ko pa pero hindi ko naman kabisado yung place dahil FIRST time ko sa SM San Lazaro (hahaha). I asked Alex kung saan at ano ang sasakyan. Sabi nya sasakay ako ng jeep papuntang España. So labas ako. Sakay ng jeep na ang sign eh Lardizabal, España. So dun ako sumakay. Eh di ko naman alam kung san yung "Lardizabal" pero nakalagay may España, so sumakay ako. Tas biglang nag left turn, nagtaka ako, so bumaba ako at nilakad ko from one street after SM San Lazaro hanggang España. Sobrang init tas naglakad pa ko. Tapos eto na, pagdating ko sa may UST, nakita ko yung jeep na sinakyan ko at NAMUKAAN AKO NUNG MGA NAKASAKAY. Tas tingin sila ng tingin sakin. Yun pala, umikot lang dun tas dadaan din naman pala ng UST. Damn it. BUMABA PA KO. Ngarr. At mukhang pinag-uusapan pa ko kanina sa jeep nung nakita nila akong naglalakad. Waaaaaaaaa! Nakakahiya! :'o

Sixth. Math exam ko bukas. Yun lang ang subject ko bukas. 2:30 pa yung exam pero balak ko nang pumunta sa school ng 7am. hahahaha, excited.

Oha. Ang konti ng sinabi ko diba?

Btw, nagkaron ng isang time na nasa iisang conference kami ni crush number 1,2 and 3. As in kaming tatlo lang. Wahahaha. <3

At pahabol, namimiss ko na ang Four Stewardship/Esers. Reunion naman tayo sa friday, o? Mukhang makakasama na ko taht day. Hehehe.

I love my life now. (Parang lahat ng bagay sa buhay ko active, pati na love life, haha)
Previous post Next post
Up