Jan 10, 2005 16:47
new year na!!!!
la lang.... naisipan ko lang mag-update dahil.... wala lang.
anyway, nag-take ako ng mga quizzes ni vicky. (san mo ba nakukuha mga un? astig!!)
share ko lang ang lumabas. kasi wala akong maisip na isulat.
* sa type ng guys, gusto ko daw ang sweet, shy type... (si vicky astig. prince charming)
* air naman ang sa elements... parang totoo din ang nakasulat. ako daw ay sweet, innocent, pure and childlike..(totoong-totoo ang huli..isip-bata pako hanggang ngayon)
hayy....un lang naman!
-----------------------**************************------------------------------
oh well....
gusto ko na mag-summer..layo pa noh??..
anyway... nag-usap kami ng isang frend (meytha) kanina....habang naglalakad sa may lover's lane at basta, sa area banda dun....naikot na namin ung area ng archi...
wala lang... kung anu-ano napag-usapan namin... basta madami eh.
mula sa boyfrend nya dati, sa pagkakaroon ng boyfrend, etc...
pati dapat kung magkaka-bf ka, dapat tanggap ka kung ano ka man... etc...
napag-usapan din namin ang fact na wala pa rin akong bf... (hay..mukhang hindi na talaga ako magkakaroon...ok lang)
basta, kung anu-ano...
nakwento ko rin na mahilig akong tumambay sa skul after class.. (kasi sha, hindi daw mahilig tumambay)
inakala pa nga nya, ako ung tipong kilala sa skul!!! (grabe..bakit nya naisip un?)
sinabi ko naman na ako ung tipong hindi mashadong kilala
(konti lang nakakakilala sakin, di tulad ni vicky na popular..pangit pa nga ang tingin sakin ng iba, tulad ng stupidong paelo na yan at ung..). ung hindi pansinin... turned out parehas kami.
hindi rin pala sha pansinin.
nakakatawang isipin...............hayy...
....parang naalala ko tuloy bigla si rosan...
hehe, obvious miss ko na sha...
miss ko na shang kasama at kausap (as in! matatawa ka talaga pag kausap mo sha)
alala ko nung 3rd year kami... ung BS time namin tuwing hapon..
pero hindi lang backstab ginagawa namin dun ha!!! (although kasama un, kaya nga nagsisisi nako.. bagong buhay!)
nag-uusap din kami sa kung anu-anong bagay.
nagtatawanan din kami... hehehe!!! :) ewan, basta..
un. wala lang. parang naalala ko si rosan nung nag-uusap kami ni meytha kanina
haayy..
un.. sana rosan, hindi moko nakakalimutan..
(NAG-SESENTI AKO!!!!! GOODNESS..)
---------------------******************************----------------------------
eto...
malamig ang simoy ng hangin.
nag-bike ako sa village namin nung saturday.. (tagal ko na rin hindi ginawa un)
ok lang.. kaso ang lamig ng hangin!! nangingitim na kuko ko sa lamig...
la lang!!!
----------------------********************************-------------------------
medyo masaya naman araw ko.
kamusta na kayo??
sana maging masaya kayo!!! para masaya.
hehe. ^_^
ahehe!!!