Sep 14, 2004 14:49
First time ko magsulat ng sarili kong journal!! Grabe!!! Anyway, wala ako maisip so pagpasensyahan niyo na... :)
May ikukuwento ako. ALAM NIYO BA, PINAGTATAWANAN NILA AKO SA DORM???!!! Ginagawa nila ako katatawanan dun. Pinagtatawanan ako nila Phoebe, Amor, Marifel at Mitchell ( mga kadorm ko. first year college dn sila, Nursing, pero hindi sa UST )
Kasi ba naman. Nung Sunday night. Naglilinis ako ng shoes ko. Shinashine ko. Nakita ko madumi kamay ko, may black wax. Sabi ko, " Ang dumi ng kamay ko, matutulog nako". Bigla sila nagtawanan!!!! Wala naman nakakatawa dun. Kasi matutulog na talaga ako. Lumipas ang ilang minuto, nakita ko may strand ng buhok ko na nakasabit sa bibig ko. Naglalagas kasi ako these days, molting season ko ata.... Anyway, nakit ko sa mirror sa room namin. So sabi ko, "Oi, may buhok sa bibig ko..." Tapos nagtawanan nanaman sila!!!!!!!!!!!! Totoo namang may nakasabit na buhok sa bibig ko. Tinanggal ko nga. Si Phoebe, mukhang hindi na makahinga at ang sakit na raw ng tiyan niya sa kakatawa sa akin. Masama talaga un, ako parati pinagtatawanan... Kaibigan ba yun, HA?! Bakit ganun, ano naman nakakatawa dun? Nakakatawa ba mukha ko?...
Binubully nila ako.... :(
help me........... sniff!!....
Balang araw, ako naman ang tatawa sa kanila. Kumbaga, akin ang huling halakhak!!!
( whahahahaha!! ) Gaganti ako....
Pero bakit ganun?.. Wala naman nakakatawa sa mga sinabi ko di ba?... ( just agree with me ) DI BA?? Masama sila, pinagtatawanan ako..
Naalala ko tuloy.. Si Raydon dati, nabulunan ng tubig dahil may sinabi akong isang bagay na hindi naman nakakatawa. ( un ang tingin ko ). Pano ba naman, umiinom ng tubig, tapos may sinabi ako at bigla ata natawa... Nabulunan tuloy. Mga June or July ata to. Eh hindi naman aho nagpapatawa.. Grabe, ang weird ng mga tao...
Ikaw Vicky, kampi ka ba sakin? ( kung si Vicky Cayton ka, kung hindi, skip mo na ). Ang unfair!! Tulungan mo ko gumanti. pagtawanan natin sila. Kampi ka sa akin, di ba?!! ( parang may war )
Promise, balang araw, ako ang huling hahalakhak. Bwahahahahaahah!!!
:)
Ang sarap ng kendi na kinakain ko habang tinatype ko to sa UST Library... may chocolate.