Aug 11, 2008 13:50
Anung oras na?
~ Ewan ba, kasi nga itong relos kong Festina eh de batirya, pumapalya na..
2. Kaya mo ba ito sinasagutan dahil naiinip ka o para lang may ma-post?
~ Hwe he...pareho, buti nga naisip mo ito! tenks p'reh!
3. Sa Maynila ka ba nakatira o sa probinsya?
~ Probinsya, mas malamig dun; also, libre talbos ng kamote at pang gatang niyog!
4. Ano sa tingin mo ang maaaring sagot sa Global Warming?
~ Upakan natin mga lecheng bansa na number one polluter ng daigdig!
5. Naniniwala ka ba sa kasabihang: “Early to bed and early to rise, makes a child healthy and wise.”?
~ Ay oo! ganyan ginawa ng lola ko sa 'ken he he he...pwersadong tulog, otherwise paluan!
6. Naranasan mo na bang makapunta ng ibang bansa?
~ Yes, gandaaaahhhh!!!
7. Kung oo, saan-saan ka na nakapunta? Kung hindi, saan mo balak pumunta?
~ Switzerland, sa Geneva, ilang taon ako dun nag aral, then sa France, sarap wine nila, then sa sa Italy, ganda ng babes nila, then sa Germany, lamig ng winter sa Berlin, then sa New Zealand, dami tupa nila, tapos..sa.. sa.. .. (heh, tanong kung saan lang!!!)
8. Naranasan mo na bang mapahiya sa harap ng maraming tao?
~ Yes, why? anong tanong ba 'toh?
9. Kung may pagkakataon kang magkaroon ng superpower, ano ang gusto mo?
~ Yung ke Lastikman..hanep sa flexibility eeeeeiiiiihhh!
10. Napili ka na ba bilang muse/escort sa klase dati?
~ Never, mas madaming qualified sa akin..tsaka mapagbigay ako *blush*
11. Kung sakaling pinalayas ka dito s Pilipinas, saang bansa ka titira?
~ Sa India, magtitinda ako ng goto!
12. Sinong mas gusto mo: si Doraemon o si Mojacko?
~ Nyeh, sino ba sila??
13. Ilang beses ka nang na-inlab?
~ Daming beses..
14. Eh nasaktan?
~ Daming beses nga eh, kulit mo ha?!!
15. Lagi ka bang naaksidente?
~ Nope, bakeeetttt???
16. Sa tingin mo ba uunlad pa ang Pilipinas habang nabubuhay ka pa?
~ Ha? Kung sa panahon ko mamatay si Gloria, eh gloria siguro!
17. Kung mayroon kang kotse na time machine kagaya ng sa Back To The Future na pelikula, anong taon mo gusting bumalik at ano ang babaguhin mo?
~ Yung EDSA ni Cory, 1986..payuhan ko si Ver na bombahin yung nag pi pipol power ng galing sa Malabanan Sipsip Kubeta..
18. Kung may pagkakataon kang maging ibang tao sa isang araw lang, sino gusto mo maging?
~ George W. Bush
19. Kung may genie na biglang lumabas at may kapangyarihang tuparin ang kahit anong wish mo ngunit kapalit ang buhay ng isang tao, magwiwish ka pa ba?
~ Oo naman, basta kapalit si George W. Bush!
20. Kapag nagging artista ka, anung klase ng pelikula ang gusto mong gawin? Drama? Action? Comedy? Porn? Horror? Ano?
~ Naka, hindi nah, pelikula material na buhay ko he he he
21. Kung paggising mo ikaw na pala ang Presidente ng Pilipinas, ano ang kauna-unahang gagawin mo?
~ Magbigte!
22. Minsan ba nangarap kang sana ikaw nalang yung inampon ni Brangelina?
~ Oo naman..sarap 'ata almusal nila noh!
23. Kuntento ka na ba sa buhay mo ngayon? Bakit?
~ Oo naman.. yung bang ganito na napapatawa mo ako sa survey ne'to eh anu pa hihilingin ko?
24. Ano ang pinakamalupit na nagawa sa iyo ng magulang mo?
~ Ayy! masaya childhood ko!; reserve mo na lang tanong na ito sa mga kinasusuyaan ko!
25. Adik ka ba sa Multiply, o mas gusto mo ang Friendster?
~ Wala, panay ubos oras lang yan!