Natapos na ang lahat-lahat--hindi pa rin ako nakapag-post

Jul 15, 2010 08:54

Hello LJ! Namiss kita--*Beso* Sa tagal ng panahon na nawalan ng koryente dito sa Makati, hindi ko akalain na puros katangahan lang ang maidudulot ng leave ko.
Ganit kasi yun, nagleave ako para magawa ko ang mga homework ko sa CIT. Ang pagsakatanga-tanga--walang kuryente.Sabi ko, di bale. Pupunta akong StarBucks or MMC para makagawa ng CIT projects. Ang weird doon, pinuntahan ako ni Acid sa condo. (Mukha yatang namiss ako.) Sabi ko sa sarili ko na napaka-hassle naman nito at kailangan ko pang magmadali ng pagaayos dahil nasa baba cia. Hindi ko pa nmang plinano na gumastos ngaung araw na ito na higit 130 Pesos. Nakakapikon.
Hindi nman ako nagpakita ng pagkaasar. Buong araw kming naglakad sa Gloriettang mainit at naghanap ng magandang Coffee shop. Dun kami napunta sa isang magarang Canadian shop.
OK na sna, Me Wi-Fi nman at nakapagcharge ako ng Laptop. Kaso nman, Jesus Christ--makakagawa ka pa kaya ng kahit ano kung kasama mo yung BF mo? Hindi ba't dapat seperate ang work at siya? Hindi niya nman maiintindihan yun.
Dumako ang gabi ng wala akong nagagawang productive. Naaasar na ako. Walang kwentang leave ito. Hindi ako nakagawa ng kahit ano at napagod pa ako. Bwisit. At wala pang kuryente hangang 9PM. Double bwisit.
Bumalik kami sa condo ng walang ilaw. Sabi ko, para makagawa ako ng kahit katiting na trabaho, kailangan ko ng current. Kaso, mukhang impossible sa lagay ko. Hmmnn, isip-isip.
Naisipan kong pumuntang Franchise 1. Kaso fully booked na sila--as well as almost 20 or more similar places. Shit, ayokong magstay sa lugar na katulad ng Cityland at magmukmok sa isang tabi... Not to mention ang attitude na pinakakita saken nito Baklang ito. Hindi ito pwede.

Lesson: Meralco sucks.
P.S. Tapos na ang season ng Ga-rei. Sna masunod pa siya at ang pangit ng ending.

acid, super inis, meralco, home, ga-rei

Previous post
Up