Nicknames

Apr 26, 2007 21:58


(Note: Entry made on October 2, 2006 - repost from friendster blogpage - updated on May 2, 2007)

All of us have nicknames.  In my case, I have  a lot!

Here are some....

Mina.....tawag sa akin ng mga officemates ko.  Obviously, because it's short for Romina.  Yan din ang tawag sa akin ng audit clients ko before pati na rin ng mga foreign counterparties ko ngayon.  To me, this sounds sweet and simple.

Rona.....tawag sa akin sa bahay (pati na rin ng barkada ko nung high school at college).  Ayoko nga ng nickname na toh eh. Pero nickname ko tlga yan nung childhood days ko pa.  Those people who are close to me, that's how they address me...pero if I were you, don't call me Rona, kasi for me, this sounds too dull and plain.

Mimi.....Naku! Naimbento ito ng blockmate ko nung college.(Itago na lang natin siya sa pangalang "Onats", he he). Nililink kmi before, kaya nung may makarinig na ganito ang tawag niya sa akin, ayun!...halos buong klase, tawag sa akin, Mimi!  Kakatawa kc feeling ko, I'm their pet cat..."Mimi" kasi.  No choice, up to now, pag nakita nila ako, they'll call me, "Mimi". Si Onats kasi eh!

Toyo.....pinakaweirdong tawag sa akin before! Tawag sa akin ni Elmark.  May toyo daw kasi ako, he he. Pareho naman kming February ang birthday...kulang kulang daw kasi.  Sa palagay ko, pareho kming may toyo ni Elmark!, ha ha hah!

Cutee.....naisip naman ni Patrick, (ang pinakasweet kong friend!) he he...nahiya naman ako dun...parang I'm not worthy yta ah! Hmmm....iisip nga din ako ng itatawag sa kanya.

Monrai.....tawag sa akin nila Erick at ng barkada niya.  Jumbled letters yan ng Romina na na-decipher/decode ni Erick sa slumbook ni Lester,....he he...Lester...peace tyo ha! (dati pa naman un eh!)

Mine.....tawag naman sa akin ng top-on-the-list suitor ko before. Ang galing niya di ba? Pasimple...pero parang sinabi nya na rin na "I'm his girl."  Ito ang isa sa mga eksaktong words of endearment na gusto kong marinig sa magiging boyfriend ko! Bilib ako.  Sayang, di ko nasabi how I love every little thing that he did for me.  Wala na akong balita sa kanya now....a sign that we're not really meant for each other....tsk tsk...

and of course, SWEETIE/HONEY.....mga words of endearment sa akin ng pinakalove kong person ngayon - my first boyfriend and my honey, Raymond Mark Francisco.  I love him so much!

Ooooppss....still have plenty of nicknames on my list, like Min, Ron, Sis, Bestfriend, Girl, Cuz, etc...but the blogspace may not be enough.

Whatever name it is, each has a special mark in my character.  Pero ang mas mahalaga dun ay ung mga taong nakakaisip ng nicknames nila for me!  Whoever you are, (kilala nyo naman kung sino kayo...) THANKS FOR THE NAME THAT YOU HAVE GIVEN ME!...
Previous post Next post
Up