Dec 18, 2006 00:49
Tomorrow mag gym na ulit kami ng mga F.A.B. friends ko. Ang sakit pa ng braso, stomach, legs, bewang etc. pano ako magbubuhat ng weights at mag sit ups? di ko kaya!!! masakit pa rin talaga katawan ko! Pare pareho lang kami na ganun pero eherm determinado pa rin kami pumayat so sige sugod sa gym bukas! uhmmm pa lipo na lang kaya? Belo HELP! lmao.
Simula ng lagyan ng mga rubber para magkaroon ng spaces yung mga ngipin ko (up and down) biglang sumakit na yung ngipin ko at kamon consistent ang pain ah! ang hirap kumagat kahit biscuits! Tapos sa Wednesday pa aalisin! nyaaaar 3 more days! At nagkakasingaw na ako! jusko wala pa ngang braces may singaw na ako agad magkabila pa! Ouchies talaga!
May stomach pain din ako uhmmm kasi minsan pagka kain "bleeeeeepppp" at napapadalas na. errr scary. Nakakaparanoid na kumain. Useless. hehe.
Consistent ang pag iisip sa isang tao. Chest pain naman yun. Bigla bigla na lang kasing nagpaparamdam. Hay unpredictable talaga. At nakikipag usap naman ako sa kanya. baliw ko talaga. May nagsabi sakin ng pabiro na MASOKISTA daw ako. Gustong-gusto ko daw kasi ilagay ang sarili ko sa sitwasyon na alam kong masasaktan lang ako. Haaay tikom bibig na nga lang...
we have our own ways of dealing with pain. Ako... hinaharap ko. Parang sige keep on coming! ok lang nasasanay na ko. =)
Jusko puro pain nga naman nararanasan ko. May narecieve pala akong text from a friend. "but pain is not really a bad thing altogether. It tells you that you are still alive." oh well SMILE na nga lang! =)