JURASSIC PERIOD

Oct 04, 2006 11:35

6 1/2 days din walang kuryente samin. May generator nga pero sa baba lang sa resto namin. Nakakabaliw talaga walang electricity at land line. Iniiyakan ko nga ang mga putanginang lamok na yan. Di ako makapag "Katol" kasi may allergy pala ako dun. nagtatagaka ako kung bakit parang patches yung mga "pantal" ko at sa buong katawan pa yun pala allergy na. yung off nga na mosquito repelant ginawa ko ng lotion.

Nagkaroon ng charging station sa dito. Una pa isa isa lang aba biglang nagsulputan kahit di namin kilala para lang magpa charge so ginawa naming negosyo ang pag charge haha 25 per hour.

Nung magpa pa photocopy ako ng checklist para sa mga procedures for my revalidation exam. Nag byahe pa ko ng almost 2 hours para lang makakita ng photocopy machine na nagana. wooo. haha

Sobrang na appreciate ko na ang fm/am radio yun lang kasi libangan ko for 6 days pati rin pala cp ko.

Bumili ako ng album ng HALE nung Saturday. buti nagana pa cd player ko at napakinggan ko agad yung album kahit walang kuryente. Favorite ko pala ang ELEGY, THE BALLAD OF, SHOOTING STAR at STARTING OVER

"You're walking away
I'll be seeing you through a Satellite
If you go
Then I'm walking away"

Shooting Star - HALE

Hay salamat talaga at may ELECTRICITY na. Okay na rin ang globe at pwede na ko makapag internet dito sa bahay at may cable na!!! weee. =)
Previous post Next post
Up