A rose by any other name

Feb 06, 2009 09:27

Hindi ko maintindihan, pero for some reason, madalas akong mapagkamalang lalaki dahil sa pangalan ko. Nung nagregister ako sa UPLB at nagenroll, binigyan ako ng ROTC na subject sa form 5 ko. Wala pang ROTC for girls nung mga panahong yun. Madalas ding male ang nakalagay sa ibang documents ko. Ewan ko kung bakit. May She naman sa pangalan ko, dalawang beses pa ngang naulit. Diba dapat indication na yun na babae ako? Pero sanay na ako diyan. Dito hindi pa ako sanay:



Shevasherapy T. Rosero Jr. -- ang sagwa yata.

Nakasubscribe ako sa Business World para dito sa office. Maraming ibang tao na nakasubscribe kaya nilalagyan ng pangalan para alam kung saang department at tao idedeliver. Hindi ko maintindihan, nakita naman ako personally nung TM na nagbenta ng subscription kaya alam niyang girl ako. Bakit may junior??? Ipinapangako ko sa magiging future kid/s ko na hindi ko sila gagawing junior. Tama nang ako na lang ang naghirap sa kahabaan ng pangalan ko.

funny, name

Previous post Next post
Up