Jul 31, 2005 00:54
Gusto kong umiyak ngayon. Naiinis ako sa nararamdaman ko. Sana di ko na lang binuksan friendster nya. Para di ako nasasaktan ngayon. Bakit ganun? Bakit ganun sya? Akala ko ba ayos na kami? Hay.. Hinintay ko pa naman sya buong araw kasi akala ko mag-aapear sya sa YM. Pero ano, wala ni message wala. Yun pala invisible ang tao, nalaman ko lang na online sya kasi sa friendster profile nya. Last login nya kanina (Saturday pa at gising pa ako ngayon kakaisip lang sa bwisit na un.. ), ang galing talaga. Kainis. Binuksan ko buong araw ung PC ko at online ang status ko PARA LANG SA KANYA tapos ano ginawa nya??? Di ko alam kung dapat ba ako magreact ng ganito at masyado lang ako nag-oovereact sa sitwasyon namin? Ang sakit.. ganito ba talaga? Do I deserve this pain? Nakakainis.
pag-ibig kong ito'y...