Cinemalaya
Watched 100 and My Fake American Accent with Scout. 100 was excellent, and this is coming from someone who was a bit apprehensive after seeing that the premise was kind of like The Bucket List, but 100 is so so so much better than that movie. Hindi ko alam kung dahil lang pinoy din ako so gets ko yung nuances. Pero ang astig talaga nya. Sana lumabas na sa regular theaters kasi gusto ko panoorin ulit.
Andun din si Mylene Dizon sa screening, Scout took her picture, but it came out like this:
click here. Funny!
I was sort of tempted to say to Mylene "Astig ka sa Rome and Juliet!" but that's like saying "Tibo ako! Tibo ako!"
Monthsary Sushi
Monthsary namin ni Scout. 21 months. Super saya
Masaya na pag gising ko sa umaga katabi ko bestfriend ko, at bago ako matulog kausap ko sya. Masaya pagusapan ang mga plano namin sa buhay, at masaya ako nakikita na dahan-dahan namin napapatupad ang mga yun, kahit baby steps.
Gumawa kami ng sushi. Yung nasa pic at tuna (cooked) and cucumber (kakamber). Tapos gumawa din kami ng cucumber (kakamber) and crabstick (crabstick). Hindi masyado maayos yung pagkakaroll namin, pero first time pa lang kasi namin. Next time mas maayos na
Dog Training
Ang bagong bonding namin ni Kitchie (aso ko) ay tine-train ko sya. Dahil super hyper sya, ang una kong naturo sa kanya ay "relax", tapos tumitigil sya sa kakatalon. Natuturuan ko na sya mag-sit, pero medyo hirap sya. Di ko alam kung hip dysplasia, kaso kasi gnaun na talaga sya puppy pa lang - di sya umuupo ng parang normal na aso. Pero nag-sisit pa rin sya, at nirereward ko sya kahit mas "squat" yung ginagawa nya minsan.
Pag mas kalmado na sya at di na humihila sa leash, sana makapaglakad kami kahit 3 times a week lang, pero sana araw-araw. Gagawan ko rin sya ng dog house. Wala kasi si yaya, nasa Ilo-ilo, kaya mas nagagawa ko ang mga bagay na ito.
Niligpit ko yung garage kanina eh kadiri na yung koleksyon nya ng basura na ibebenta nya, so pati yun niligpit ko. Tapos yung fortune plant ginawa nyang garbage holder! Kadiri talaga.
Exciting things for this week: nuod kami Cinemalaya sa Thursday ulit, first post ko sa Vagablogging (tapos na actually, hintayin ko na lang maging live), saka kukunin namin yung package ko na stuck sa Pasay post office (hassle!)