Okaaaay... I was a bit disappointed with the outcome of the movie. I don't know. Maybe I felt that way because I've been such a Ze Muzikal devotee and I can't help but compare it to Ze Moveeh version. Number 1, i can't accept that there were a whole lot of changes on the storyline. Additional characters (such as Aruba, Poldo, Mang Justin, Krystal) that didn't really make a big impact on the story. The annoying fact that in Ze Moveeh, the Amazonistas speak in Tagalog. The costumes that is far far different from what Carlo Vergara had illustrated on his comic book. Some important and amusing scenes weren't even part of the movie. Bastaaaaa! Ang daming kulang at meron din namang nasobrahan.
Although, hats off pa rin ako kay Vincent De Jesus. The best pa rin ang musical arrangement. And not to mention ang napakaganda nilang boses ni Red Nuestro na ipinahiram para sa characters nila Ada (Rustom) at Dodong (Alfred). I can't help na mapasabay sa mga kanta. (Grabe! Sobra ko nang miss ang Ze Muzikal!!!) Pero, ito na naman ako at di mapigilang ikumpara ang treatment ng Ze Muzikal actors sa mga kanta. Di hamak na maganda ang boses ni Zsazsa Padilla, pero iba talaga pag si Eula ang kumakanta ng Babae na Ako. Basta, iba talaga. Saka medyo nalungkot ako kasi di sinali yung Nakakasilaw na Ilaw.
Sa actors naman, wala namang masyadong reklamo. Ok naman si ZsaZsa pero like what I said, at di naman sa pagiging biased, mas magaling pa rin at walang makakatalo kay Eula Valdes sa pagganap ng ZsaZsa Zaturnnah. Si Pops naman, narealize ko na maganda pala sya. Pero mas ok siguro kung si Chin Chin Guttierez yung gumanap. Yung mga Amazonistas, di ko sila masyado na feel. Sayang naman. Pampakulay lang sila sa mga eksena. Si Chokoleit, ok naman, pero di masyado nakakatawa. Parang kulang pa.
On the other hand, si Rustom, hay naku! Ang ganda ganda nya. Although masyado syang ginawang bakla. I mean di naman ganun kagrabe si Ada eh. Pero sa movie, talagang skirt kung skirt. At mama! Ang muk ap, ZUPER. Pero in fairness, nakakatawa sya dun sa scene na nahulugan na sya ng bato. At syempre si Papa Alfred na isa rin sa reasons ko kung bakit ako nanood, hay. Isa syang Dodong. Yun na. Syet!
Well, sa akin lang naman yang mga opinyon na yan. Nag enjoy rin naman ako. And I can't help na ireminisce yung pagiging Zaturnnah devotee ko.
Lalo tuloy ako naexcite sa Ze Muzikal! May bagong Dodong daw! Yahooo!