May 27, 2006 23:29
BAKTOL
• ang ikatlong lebel ng mabahong amoy sa kili-kili. Ang baktol ay kapareho ng amoy ng nabubulok na bayabas. ito'y dumidikit sa damit, at humahalo sa pawis
KUKURIKAPU
• libag sa ilalim ng boobs. madalas na namumuo dahil sa labis na baby powder na inilalagay sa katawan. Maaari ding mamuo kung hindi talaga naliligo o naghihilod ang isang babae. Ang KUKURIKAPU ay mas madalas mamuo sa mga babaeng malalaki ang joga.
MULMUL
• buhok sa gitna ng isang nunal. Mahirap ipaliwanag kung bakit nagkakaroon ng MULMUL ang isang nunal. Subalit hindi talaga ito naaalis, kahit na bunutin pa ito, maliban na lamang kung ipapa-laser ito.
YAMAS
• taeng sumabit sa buhok sa pwet. Madalas nararanasan ng mga taong nagti-tissue lamang pagkatapos tumae. Ang YAMAS ay mahirap alisin, lalo na kapag natuyo na ito. Ipinapayo sa mga may YAMAS na maligo na lamang upang ito'y maalis.
ALPOMBRA
• kasuotan sa paa na kadalasang makikitang suot ng mga tindero ng yosi sa Quiapo. Ito'y may makipot na suotan ng paa, at manipis na swelas. Mistulang sandalyas ito ng babae pero kadalasang suot ng mga lalaki. Available in blue, red, green, etc
BAKOKANG
• higanteng peklat. ito'y madalas na dulot ng mga sugat na malaki. Imbes na normal na balat ang nakatakip sa bakokang, ito'y mayroong makintab na takip.
AGIHAP
• libag na dumikit sa panty o brief dahil sa labis na pagmamahal sa suot panloob. Nabubuo ang AGIHAP kung ang panty o brief ay nasuot na ng hindi bababa sa tatlong araw.
DUKIT
• itoy and amoy na nakukuha kung isinabit mo ang daliri mo sa iyong puwit. Try it to prove it, that's DUKIT!
SPONGKLONG
• ito'y isang bagong wika na nangangahulugan na isang estupidong tao.
LAPONGGA
• ito'y kahintulad sa laplapan subalit mas matindi ang pagpapahiwatig ng pagnanasa.
WENEKLEK
• ito ang buhok sa utong na kadalasang nakikita sa mga tambay sa kanto na laging nakahubad. Meron din ang babae nito.
BAKTUNG
• pinaikling salita ng BAKAT-UTONG.
BAKTI
• bakat panty
ASOGUE
• buhok sa kilikili
BARBAKOL
• maitim na libag sa batok na naipon sa matagal na panahon
BULTOKACHI
• tubig na tumatalsik sa pwet kapag nalalaglag ang isang malaking ebak
JABARR
• pawis sa may kilikili
KALAMANTUTAY
• mabahong pangalan
MCARTHUR
• taeng bumabalik pagkatapos mong i-flush