The Comeback of the Princess

Oct 19, 2006 03:58

May internet na ulit kami, sa wakas! Hehe. :)

Matapos ang matagal na paghihintay bumalik na ulit yung internet namin. Noong nakaraan na linggo kasi na-temporary disconnected yung phone line na nagcause din na mawalan ng internet connection. Sobrang nalungkot talaga ako sa pagkawala ng internet dahil sobrang na-bored ako dito sa bahay, sabi nga ni Mama pwede naman ako maginternet sa labas kaso tinatamad naman ako at ayaw kong gastuhin yung pera na naipon ko itong katatapos na semester. Buti na lang nabalik na ulit ung phone line at nakakapaginternet na ulit ako. Yipee. :)

So what's been happening in my life? Here are some updates. :)

Dalawang linggo ang nakararaan, sobrang bangag na bangag kaming lahat dahil sa thesis defense, case analysis at final exams namin. Halos wala akong tulog dahil sa pagaaral at paggawa ng mga requirements. Tapos sobrang hirap pa nung mga exams namin lalo na sa Accounting, pamatay yung exam talaga. Sana makapasa kaming lahat. Hehe. Buti na lang tapos na lahat at ngayon bakasyon na namin, pero parang hindi maganda ang magiging bakasyon namin dahil may gulo between our class at sa administration office. Basta mahabang istorya. Sana maayos namin agad yung gulo bago kami lumabas ng school para sa hotel practicum namin na gaganapin sa darating na second semester. :(

Last Saturday, we had our pictorial for our graduation picture at Red Image. Buong araw kami nandoon dahil sobrang dami ng tao na magpapashoot ng grad pic. Expected nga ng Red Image matatapos kaming lahat ng 7pm pero 9pm na kami natapos dahil sa dami nga namin, tapos yung tropa namin puro package three. Hehe. Ang saya nga ng moment namin doon. Ang dami kasing shots eh, siyempre tuwang-tuwa ako nuh. Excited na akong makita yung mga pictures eh. Sabi nung mga taga-Red Image, after two weeks makikita na namin ung mga pictures. Waaiii... I can't wait to see them all. Hehe. :)



Last Sunday, Mew and I celebrated our 4th monthsary. Well, hindi naman kami lumabas on that day dahil busy siya sa paggawa ng mga requirements for his major subjects buti na lang nung Saturday sinamahan niya kami magpakuha ng graduation picture. Sobrang natuwa nga ako sa katatagan ni Mew na samahan ako dun knowing na mainipin siya. :) Masaya naman kami sa takbo ng relasyon naming dalawa and we hoped na tumagal pa ito despite of some problems that we are facing together. :)

As I stated with my last post. Makikita niyo na rin yung mga pictures namin during our Ilocos Tour. Hindi na ako gagawa ng post dito. Basta tignan niyo na lang ung mga pictures. Enjoy. Hehe. :)



Welcome to Vigan City! :) :) :)



The Class 4H3 with Laoag City Mayor Michael Fariñas



Our Kada with our Accounting Professor Mr. Sir Dennis Ligan



Breakfast at Ancieto Mansion (Vigan,Ilocos Sur)



Family Picture at Malaca�±ang of the North (Paoay,Ilocos Norte)



Circle of Friends



Bedtime at Fort Ilocandia (Laoag,Ilocos Norte)



Ligan's Angels with some 4H3 Boys



Breakfast at Fort Ilocandia (Laoag,Ilocos Norte)



Life Guard at your Service



Beach Time!



Dinner at Villa Del Mar (Pagudpud,Ilocos Norte)



KTV Time



Looks Familiar? Hehe. Meteor Garden. :)



Our Kada with the Windmills (Pagudpud,Ilocos Norte)

Happy weekend everyone! :)
Previous post Next post
Up