Random Whatsoever.

Aug 10, 2006 08:19

Maaga akong nagising kahapon para makapagupdate ng blog at makapagreview para sa prelims. Todo cram ako sa pagrereview sa Marriage buti na lang lahat ng inaral ko lumabas sa exam. Kaso nga nagkamali pa ako dun sa spelling ng mga propets. Nakakainis. May mali na agad ako. :( Pero okay lang sure naman ako na makakapasa ako. Hehe. Pagdating naman sa Research Methodology, ang hirap. Ewan ko ba. Nakapagaral naman ako mabuti pero wala din palang kwenta. Basta kakaiba siya magpaexam pero kung magpaquiz siya sobrang dali naman. Parang ayaw niya kaming ipasa. Hehe. Goodluck na lang.

Pagkatapos ng exams namin nakipagkulitan muna ako kina Jempot. Nakakainggit nga sila dahil pupunta sila ng Dish para manood ng concert nila Barbie Almabis, Rocksteady, Sandwich, Hale, Bamboo and Sugarfree. Gusto ko sana manood kaso hindi ako papayagan ng magulang ko for sure kahit na may pera akong pangentrance. Nakakainis.

Pagkatapos makipagkulitan, pumunta ako sa dating kong school nung haiskul para imeet si Mew pati na rin yung tinuturuan niyang klase para sa Sabayang Pagbigkas. Okay naman na trainor si Mew kahit na medyo mahigpit. Hehe. Pero kahit na mahigpit siya sa mga bata mukhang okay naman siya para sa kanila. Habang pinapanood ko sila bigla kong naalala yung mga araw na kami yung nagprapractice para sa Sabayang Pagbigkas. Swerte nga yung batch na tinuturuan ni Mew dahil napakaikli ng piyesa nila, samantala nung panahon namin sobrang haba kaya pahirapan kami magmemorize. Hehe. Kalaban nga namin yung klase nila Mew nun eh. Parehas kasi kami ni Mew ng school nung haiskul, ahead ako sa kanya ng isang taon. Bale fourth year ako nun tapos si Mew third year naman nung naglaban kami para sa Sabayang Pagbigkas. Natalo nga yung klase namin pati din ata sila Mew pero kahit natalo nagenjoy naman kaming lahat. Hehe. Grabeh namimiss ko na yung mga kaklase ko nung haiskul. :( Sana makita ko na ulit sila. Sobrang busy na kasi namin eh dahil graduating na kaming lahat ng college.

Isa lang ang exam namin ngayong araw na ito which is Ethics or Moral Philosophy, medyo nakapagreview na ako kagabi bago matulog pero magrereview pa rin ako ngayon para okay. Hehe. Pagkatapos siguro ng exam tatambay muna ako kina Jempot para turuan siya sa exam sa Accounting bukas. Tapos nun baka pumunta ulit ako sa practice nila Mew para manood ulit. Gusto ko kasi makita yung mga formation na binabalak niya para sa piyesa. Sana hindi mahirapan yung mga bata sa mga ipagagawa niya. Hehe. Sabi niya sa akin kagabi baka hanggang 8pm sila magprapractice mamaya dahil gusto na daw niya tapusin kahit kalahati nung piyesa, halos isang linggo na lang kasi ang nakalaan para sa kanila bago ang laban. Mauuna siguro ako umuwi sa kanya mamaya dahil kailangan kong magaral para sa dalawang exams namin bukas. :) Goodluck na lang sa kanila. :) Go IV-Benevolence. ;)
Previous post Next post
Up