Jul 05, 2006 06:42
Akala ko hindi na ako magigising para sa retreat namin. Buti na lang ginising ako ni Emma at ng butihin kong kaklase na si Denisse. Nakakain na ako ng agahan ngayon bale maliligo na lang ako saka konting final preparations. Medyo kinakabahan na ako para sa retreat, ewan ko ba. Sana magenjoy kaming lahat sa retreat. Yun lang. Hehe.
Sa mga tao na nagbigay ng kanilang mga retreat letters sa akin. Maraming salamat sa inyong lahat. Sa pinakamamahal kong Emma, alam ko masyado kang busy sa work but still nagkaroon ka pa rin ng time para gawan ako, don't worry Mom i'll be a good girl. Sa mga kapatid ko Kuya Len and Ron, salamat sa inyong dalawa. Sobrang luv ko kayo kahit na minsan nagkakasapakan tayo. Hihi. To my online friend Vanya, salamat po ng sobra don't worry makakabawi din po ako sa iyo pagbalik ko. ;) Sa aming butihin na kasama dito sa bahay na si Manang Mona salamat po kahit na hindi pa po kayo ganung katagal sa amin minahal niyo ako ng sobra. :) Kay Manang Arlene salamat po, sa Evolution Family ko mahal na mahal ko kayo jammin tayo pagbalik ko, sa lahat ng mga kaibigan ko sa Sugoi sobrang salamat din sa inyo, inuman tayo pagbalik ko. Hehe. And lastly kay Mew, salamat po ng marami Kuya. Huwag kang magalala masyado sa akin magiging okay po ako dun. Ingatan mo ang sarili mo and be a good boy. Naks. Sana wala akong nakalimutan na tao kung meron man salamat po. Haha. Mamimiss ko po kayong lahat.
O pano kailangan ko na maghanda mahirap ang maiwanan di ba? Hehe. Happy Retreat po sa H3 and H4 Block. Kitakits mamaya! :)