Apr 22, 2006 09:31
Dalawang linggo ko hindi makakasama ang camera ko dahil kailangan niyang magstay sa service center chuva para sa iang general check-up and repair. Grabeh.. sobrang mamimiss ko siya. *cries badly*
Okay naman ang naging meeting namin with Sir G kahapon. Pinagusapan lang namin ung break down ng grade sa practicum pati na rin ang paggawa ng scrapbook namin.
Pagkatapos ng meeting, kumain kami ng mga classmates ko sa KFC. Habang kumakain, siyempre chikahan tungkol sa mga chuva sa mga practicum sites namin. Okay naman ang pagkwekwentuhan namin pero kailangan din itong maputol dahil yung iba sa amin may duty pa tapos ung iba naman may mga lakad tulad ko.
Pumunta ako sa Megamall sa pagaakala na doon ang service center ng Canon, aba pagdating ko doon sinabi sa akin nung babae chuva dun na sa Magallanes pala ung service center chuva. Aba muntikan na akong mawalan ng malay. Hehe. Para hindi sayang sa oras pinuntahan ko na ang nasabing service chuva. Buti na lang nandiyan si Sir John para i-guide ako sa trip ko. Baka kasi saan ako makarating or what. Hehe. 4:30pm na ako nakarating sa service center chuva 30 minutes bago sila magsara. Thank God, i arrived on time. Hehe. Proud ba. Ayun they explained to me na kailangan magtagal ang camera ko dun for two weeks para obserbahan, if ever may papalitan na chuva its for free dahil under warranty pa siya. Hehe. Pagkatapos sa Magallanes bumalik ako ng Megamall para bumili ng gift ko kay Mama Recy. Birthday niya kasi last Monday at wala ako sa kanyang chuva. Super cute ang binili ko sa kanyang gift. Basta magagamit niya chuva un. Hehe. Pagkatapos sa Megamall pumunta ako ng Sugoi para maibigay ko ang nasabi na gift kay Mama. Pagdating ko dun, wala sila doon pati na rin si Dada at Bibay. Bale sila Ate Ingrid, Jebogs at Kuya Ron ang naabutan ko. Ayun konting chuva kami ni Kuya Ron tapos nag-in ako for 30 minutes para magcheck ng email and chuva. Hanggang sa dumating na sila Mama kasama si Dada at Bibay. Ayun chuva-chuva ulit then dumating si Daddeh Kenneth at biglang alis ni Jebogs. Ayun bago ako umuwi nagchuva din kami ni Daddeh. Past 9pm na ata ako nakauwi at ayun the rest is history. Hindi ko alam kung kailan ako makakapunta ulit ng Sugoi dahil balak kong magovertime ng todo sa Fridays dahil balak ko ng tapusin ang practicum ko. Hehe.
Okay, okay maghahanda pa ako. Have a great weekend.