Mar 11, 2008 14:38
nung kelan lang, kung maalala nyo, nagkaroon din ng tigil pasada ng mga kapatid nating tsuper. pero sa naalala ko, parang normal naman. hindi ako nahirapang maghanap at sumakay ng jeep nung papasok ako sa school. kahit nung pauwi na. nakauwi ako ng maayos.
pero iba ngayon. hindi talaga sila napigilan. nag alay lakad ako kanina dahil wala talagang masakyan. ni taxi, naging madalang din. hindi pa man ako masyado naiinip at bago ako manlagkit sa pawis dala ng matinding init, nakatiyempo nako ng taxi na walang pasahero. salamat manong. napagastos pako ng di oras kung kelan pa naman ako nagtitipid. tsuk!
vacant ko nga pala ngayon. kaya nag online muna. sabi ni mama sa kin kanina, tawagan ko lang daw siya at agad agad niya akong susunduin.
asus. ayoko na siyang abalahin pa. sakit na sa rayuma ang katawan nun, papagurin ko pa. nakow. sana man lang makasakay ako agad mamaya pag uwi.. amen.
o nga pala, nyahahaha. wala lang. natatawa pa rin talaga ako kung papanoorin ko yung nagawa naming video para project sa strategic management. yung case study. nanalo kaming BEST VIDEO. naks! wag ka! isa ako sa maga bida dun. nag ala "bangs" ako dun. agent-agent kuno. may toy gun pa nga ako na mukang 9mm na pinahiram ni classmate marcey. (salamat sayo!) PALOS kasi ang konsepto. nagmuka akong tanga sa ibang scenes dahil mahuhuli mo talaga akong natatawa / nakangiti / nakangisi. hindi naman kasi namin yun masyado sineryoso e. kaya ganun nalang ang kinalabasan. nung defense naman, feeling ko nga, palpak din kami. kaya diko talagang inakala na eto, dahil best video kami, exempted daw sa exam. hehehe.
hay jusko, basta salamat na rin kay sir. na binigyan nya kami ng ganung klase ng pagkakataon. dahil talagang minahal ko ang mga naging ka grupo ko. ang mga dating dedma ko lang.. eto, mga kaibigan ko na. talagang ilang gabi kami nagsama sama at nagpuyat para sa case study na yun. kaya sa friday, isang selebrasyon! weeeepeeee!!
salamat!!
PEARL - igzaaakli! nako ang lider naming ubod ng tapang. tameme kami lahat pag sumigaw na to e. haha. isa pa, sa kanila kami unang nag overnight. jusko. supeeeeeeeeer layo ng bahay. pero inpernes, masarap matulog sa kanila. =D umiyak siya nung defense namin at nag sorry dahil sa nangyari. siguro, nagtataka rin siya kung bakit KAMI?
MARCEY - salamat sa toy gun. ang kyut nga e. parang gusto ko i take home. eto, laging asar talo. nyahahaha.
GLESSY - best actress to. matindi. malayo rin ang bahay. may alagang puting pusa na blue at yellow ang mga mata. kakaiba. gusto ko ring i take home.
LOMPOT - siya ata ang nagpanalo sa min e. best actor. best actress. best actor? actress. watever.
DENZEL - direktor namen. mabuhay ka. kala mo gaganun ganun lang. ganun pala yun. kaya ganun. masarap din matulog sa kanila. ahehehe. salamat sa kotse. salamat din sa mga pagkain tuwing pupunta kami sa inyo.
CARLO - kung ako si bangs, siya naman si palos. haha. siya nagpapatawa sa ming lahat tuwing brainstorming. peng peng!
PAUL - kung nasan si carlo, andun siya. isa rin sa mga agents to.
MARVIN - a eto? wala. puro piktyur.
pag sinipag nakong i upload ang video, ipapanood ko sa inyo. nyahahahahaha.