Jun 23, 2007 10:09
Kahapon, pag-uwi ko, kumain lang ako at nakipag-kuwentuhan kina mom and dad. Tapos, dapat magbabasa ako ng storybook pero nakatulog na ako. Hindi pa ako nakapag-bihis/naligo/nag-toothbrush. Yuck. Hehe.
Nagising ako ngayon, eto pa rin suot ko... yung suot ko sa school kahapon. Haha. Ok lang andito naman ako sa bahay. Grabe.
Late pa kami nakapag-lunch kahapon dahil nag-distribute ng slides and locker keys. Yung sa slides okay pa eh pero yung locker keys ang bagal naman. Pagbukas ko pa ng locker ko... ang dumi. Lilinisin ko yun sometime. Natatakot ako sa Histology lab, terror daw yung teacher dun. Sana terror in the sense na mahirap yung exam - okay na siguro yun, kaysa naman terror attitude. Baka maiyak ako sa takot. Madali pa naman akong maapektuhan ng attitudes ng mga tao. Kahit konti lang ang umiiral... Nabuwibuwisit / nagagalit / natutuwa / nahihiya / naiiyak pa rin ako.
Malapit na kaming mag-uniform. By July. Yay, excited na ako. Ayaw ko na kasing mag-casual wear. Ewan. Basta gusto ko ng mag-uniform. Sana hindi ko pagsisihan. Haha!
Natatawa pa ako sa kapatid ko. Sabi niya, may gusto raw siyang girl tapos nalaman niya from common friends na may gusto rin sa kanya yung girl pero may problema raw sa kapatid ko. Green-minded daw kasi siya. HAHAHAHA grabe natawa talaga ako. Pero okay lang yun. 90% ata ng mga lalaki ganun. Marami na rin akong naging crush na green-minded. LOL Ang dami pang kaartehan nung babae.
Ang problema ko sa kapatid ko, yung mga nagugustuhan niyang girls ay blah... (sama ko). Yung isa parang ano ba yan... BAKIT??!?! Tapos nage-emo-emo pa siya nun palagi kong sinisigawan, MAGHANAP KA NA NG IBA ANG DAMI DAMI pero ang kulit niya. Buti nag-move on na rin siya tapos naman meron ngayon ang arte pero weird sa tingin ko naman hindi super green-minded ng kapatid ko ah. Bahala na yung girl na yun, sige magpakasal siya sa isang pari... 98% chance na hindi green-minded yun.
Haha. Nang-away.
uniform,
med school,
ranting,
family