Sinabi kong matutulog na ako nang maaga tuwing Tuesday kasi maaga ang class ko tuwing Wednesday but nooooo gising pa rin ako. (At Wednesday na!) Hindi talaga ako inaantok at sanay na akong matulog ng super madaling araw. Haaay. Nanonood lang ako ng kung anu-anong TV shows na dinowload ko sa net. Wasting precious time, as usual.
Ang tagal naman mag-resume ng airing ng Prison Break. Ano ba, nabitin ako dun sa latest episode. Napasigaw ako nung end kasi grabe... hindi ko inexpect. Haahaha. Ewan, basta ang galing (maybe "cool" is the word) nung nangyari. Isang buwan na ata akong naghihintay (since nakita ko yung latest episode). Ang tagal talaga ng "break" nila (since November pa!). Bakit ba? Nagka-"writers block" ba yung mga gumagawa ng script? Nawalan ba sila ng budget? Wala ba silang timeslot? Nawala ba yung film? May problema ba kay Wentworth Miller? January 29 paaaa (so malamang January 30 ko pa mapapanood...). Tagal.
Anyway, mamaya ay simula na ng American Idol. :D Here we go again!
Nanalo raw si Dr. House (Hugh Laurie) ng Golden Globe award [AGAIN]? Hooray. :D
Best actor 2007.